CASSANDRA
"Kinukulit ka pa din ba ng Kuya ko?" Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita siya.
"Minsan?" Patanong na sagot ko. "Well, he'll be gone for two weeks kaya matatahimik ako." Natatawa kong dugtong.
Nang tignan ko siya ay nagtatagis ang bagang niya. Ewan ko pero parang galit siya? I mean, oo galit nga siya. Napasinghap ako ng bigla niyang sinarado ang laptop niya. Galit na galit siya at feeling ko nabasag ang screen ng laptop.
"Okay ka lang?" Gusto kong batukan ang sarili ko sa naging tanong ko. He's not okay!
"I'm done with this shit!" Sabi niya saka tumingin sa akin na parang maglalabas na ng apoy ang kanyang mga mata.
"S-sir."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at nilapitan ako. Bahagya akong lumayo ng umupo ulit siya sa mismong harapan ko.
"S-sir, anong n-nangyari.."
Hindi pa ako tapos magtanong ay agad akong napasinghap ng maramdaman ang labi niya sa labi ko. He took that opportunity to slid his tongue inside my mouth. Dilat na dilat ang aking mga mata pero siya ay nakapikit na.
Oh my god! My first kiss!!
"You know I've been dying to taste that lips of yours ever since i met you." He huskily whispered in me when he stopped the kiss. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko bago bumulong ulit. "Kiss me back, honey."
Nang halikan niya ulit ako ay wala na akong nagawa kundi ang sagutin ang mga halik niya. Ginaya ko lang ang ginagawa niya. I've never been kissed before!
Nang halos malagutan na ako ng hininga ay saka lang niya pinutol ang halik. Pinagdikit niya ang mga noo namin at tinignan ako ng seryoso.
"Stay away from my brother, Cassandra." Bulong niya pero dinig na dinig ko ang bawat diin sa mga salitang binibitawan niya. "Tahimik lang ako but you don't want to see me get mad. Just stay away from him because I'm fucking jealous."
Imbes na matakot sa mga sinabi niya ay napangiti pa ako.
-------------
Ngiting ngiti ako habang naglalakad papasok sa kumpanya. Nginingitian ko ang lahat kahit hindi ko kakilala. I just want to share my good vibes. After ng halik kagabi ay nagstay pa siya saglit sa unit ko bago tuluyang umuwi. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari.
The kiss. His confession. Sobrang saya..
Pero katulad nga ng sabi nila ay may kapalit na kalungkutan ang sayang nararamdaman mo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Wala naman silang ibang ginagawa. Nakatayo lang sila sa harapan ko. Nakakapit lang ang babaeng katabi niya sa braso niya pero bakit pakiramdam ko niloko ako? Nakatingin lang siya sa akin na para bang tinitignan ang magiging reaksyon ko.
"Good morning Sir, Ma'am." pinilit kong ngumiti sa harapan nila bago tuluyang pumasok sa elevator.
Akala ko magiging masaya ang buong araw na ito. Hindi pala. Nang huminto na at nasa floor na ako ng department namin ay agad akong lumabas. Parang kinapos ako ng hangin sa loob.
Kakabukas ko lang ng computer ko ng biglang dumating si Warren.
"Cassandra, pinapatawag ka ni Sir." napakunot noo ako sa aking narinig.
At bakit? Hindi ba sapat yung isa sa kanya? Tss.Sa huli ay sumunod na din ako. Ayaw kong magtaka sila kung bakit hindi ko sinusunod ang boss namin.
"Pasok ka na lang." Sabi ni Warren ng makarating kami sa floor nila.
Kumatok muna ako sa pintuan. Ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ding sumasagot kaya pumasok na ako. Una kong tinignan ang table niya pero wala siya doon. Napasimangot ako. Niloloko niya na naman ba ako? Pumasok pa din ako dahil baka nag cr lang siya saglit. Pagkasarado ko ng pintuan ay nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin.
"Are you mad?" Bulong niya habang nakayakap pa din sa akin.
"Dapat ba akong magalit?" Imbes na sagutin siya ay nagtanong din ako. "I mean, may karapatan ba ako?"
Nanikip ang dibdib ko dahil sa sariling tanong ko.
Nahulog na ba talaga ako?
Humiwalay siya sa akin at tinitigan akong mabuti.
"She's Hailey. A friend of mine." Paliwanag niya. "Magkaibigan lang kami. She's just clingy but that doesn't mean we're together." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "And of course, you have the rights." Paniniguro niya.
Lumayo ako sa kanya at napailing.
"Ano ba tayo Sir?" Lakas loob kong tanong. "I have the rights pero paano kapag may nagtanong kung ano ba tayo? Mutual understanding?" Natatawa kong tanong. "Hindi na tayo teenager Sir."
"Then be mine." Sagot niya na para bang ganun lang kadali ang lahat.
Umiling ako ulit. Bakit ba ako nandito? Paano ba kami napunta sa sitwasyong ganito? Ang dami kong tanong sa sarili ko pero hindi ko alam kung ano ang sagot.
"I'm sorry Sir."
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)