CASSANDRA
Pasakay pa lang ako ng elevator nang biglang may humawak sa braso ko.
"What the fuck, Cassandra?" Tanong ni Sir Trevon ng tuluyan na niya akong maiharap sa kanya.
Wala sa sariling napatingin ako sa table ni Warren pero wala na siya doon.
"Sorry Sir pero.."
"Call me Trevon, damn it!" Nagulat ako sa sigaw niya. "Wag mo naman akong paasahin Cassandra." Sabi niya na para bang nahihirapan din siya.
"Hindi kita pinapaasa, Trevon."
"Hindi? Then why are you doing this? I kissed you, you kissed me back. Then now what? Sorry?" Natatawang tanong niya pero halata pa ding naiinis pa din siya.
"Masyado sigurong mabilis ang lahat. I'm sorry." Wala na yata akong ibang masasabi kundi sorry.
"I like you. Gusto kita Cassandra. Isn't that enough?" Halos pabulong na tanong niya.
Parang lalong nabasag ang puso ko. Bakit nga ba umasa pa ako na mahal niya ako? Pero okay na din naman na gusto niya ako di ba? Siguro naman mamahalin din niya ako tulad ng gusto ko.
Napabuntong hininga ako bago tumitig sa kanya.
"Okay fine." Unti unti na siyang ngumiti pero napanguso ako. "Pwedeng mag request?"
"Anything for you honey." Sagot niya na sinamahan pa ng pagtango.
Heto na naman yung malakas na tibok ng puso ko sa tuwing tinatawag niya akong honey pero hindi ko iyon pinahalata.
"If you want me to be yours pwede bang ligawan mo muna ako?"
"Of course, I will." Nakangising sagot niya.
Pagkatapos naming mag usap ay bumalik na din ako sa floor namin baka magtaka na ang mga kasama ko kung bakit ang tagal kong bumalik. Thankfully ay hindi na nagtanong pa si Trina. Maybe she was thinking that it's all about work. Gusto ko sana siyang kausapin. Gusto ko sanang may mapagkwentuhan tungkol sa nararamdaman ko pero feeling ko hindi pa ito ang tamang oras. Ayaw kong ma issue agad si Trevon. Ilang buwan pa lang siya dito tapos mababalita agad na may pinopormahan siyang empleyado niya? I think that's bad for his image.
Nang maglunch break ay sila Trina at Kaye pa din ang kasama ko. Napatingin ako sa phone ko ng magring ito. Napangiti agad ako ng makitang si Mommy ang tumatawag.
"Si Mommy. Sagutin ko lang." nginitian nila ako at tumango. They know how much I missed my Mom.
"Mommy!" Nakangiting bati ko ng sagutin ko ang tawag. Pumunta ako dito sa isang table na walang tao at humarap sa glass window para makita ang mga katabi naming establishment.
"Hi baby! I missed you."
"I missed you too, My." Malungkot na sabi ko.
My Mom migrated in America when she married Tito Anton. My father died when I was six years old because of Leukemia. I have an older brother. Si Kuya Harvy. Nasa Japan naman siya ngayon dahil doon ang trabaho niya. He's 26 already while I'm 23 years old.
Tito Anton is my Mom's bestfriend actually. Tandang tanda ko pa noon na sinabi ni Tito Anton na gusto niyang maging matandang binata. He already love my Mom before. High school pa lang ay talagang gusto na niya si Mommy pero dahil si Daddy ang mahal ni Mom ay wala siyang nagawa. Before my father died, he already gave his blessing to Tito and Mommy. Alam niya kasing sasaya si Mommy kay Tito. May anak na din sila Tito Anton at Mommy. Sila Bernadette at Denver. They're twins. 13 years old na sila ngayon.
"I miss you baby. Miss ka na din ng kambal. Kailan ka ba susunod dito?" Bakas sa boses niya ang tampo. Pinipilit kasi nila ako na magmigrate na din doon.
"Mommy, we already talked about it right? Masaya ako sa trabaho ko dito."
"Okay fine. Baka lang nagbago na ang isip mo." Natawa ako sa sinabi niya. "I'll hang up now baby."
"Send my regards to Tito and the twins."
"Sure baby. I love you."
"I love you too."
-----------------
TREVON
Pagdating ko sa cafeteria ng company ay siya agad ang hinanap ko. Ang mga kaibigan lang niya ang nakita ko. Umakyat na ba siya? Tinignan ko ang relo ko at nakitang 12:30 pa lang. Nilibot ko ulit ang aking paningin at nakita siya sa isang gilid. Nakatalikod siya sa akin dahil nakaharap siya sa glass window. Napangiti ako at naglakad ng dahan dahan para gulatin siya pero ako ang nagulat ng marinig ko ang sinabi niya.
"I love you too."
Ngayon ko lang napansin na may kausap pala siya sa phone. But wait. What did she say? I love you too? I felt my mood changed so fast. Did she already have a boyfriend?
"Oh my god!" Napahawak siya sa dibdib niya ng lumingon sa akin at mukhang nagulat ng makita ako. "Nakakagulat ka Trevon!"
I want to smile because he calls me by my name but i can't.
"I love you too huh? Are you playing with me?" Unti unting kumunot ang noo niya. "Are you already with someone else?"
"What?" Naguguluhan niyang tanong. Napatingin siya sa cellphone niya at natawa na parang may naalala.
"So you heard it?" Natatawang tanong niya. "Ang cute mo! Wag ka ng magselos. Si Mommy yung kausap ko."
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng marinig ang sagot niya.
Thanks God!
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)