CASSANDRA
Dalawang linggo na din ang lumipas at walang palya ang kapatid ni Sir Trevon sa panggugulo sa akin. Nasanay na lang ako at wala na ding nagawa dahil ayaw din naman niyang magpaawat.
Nalaman ko din na isa pala siyang pulis. Yes. Pulis nga ang manyak na yun. Tss.
"Bakit nandito ka na naman?" Napabuntong hininga na lang ako ng kindatan niya ako. "Wala ka bang pasok? Magbantay ka kaya doon sa kulungan."
"Good morning to you too, baby." Nakangising sabi niya.
As usual ay nandito na naman siya sa tapat ng building kung nasaan ang unit ko. Palagi niya akong sinusundo kahit ang lapit lang naman ng office mula rito.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ng maglakad.
"Actually, I'm here to tell you something." Sabi niya habang naglalakad kami pareho. "I'll be gone for two weeks."
"Thanks God!" I really mean it.
"Wow. I'm going to miss you too." Sarkastikong sabi niya kaya natawa ako.
"Buti naman at matatahimik ako ng dalawang linggo."
"Yeah right."
Nagpaalam ulit sa akin si Duke at sinabing mamimiss niya ako. Napailing na lang ako. Nang makarating ako sa department namin ay nagsimula na ako sa aking trabaho.
"Cassy!" Tawag ni Trina.
"Oh?" Sagot ko habang nakatutok pa din sa aking computer.
"May swimsuit ka na?" Nangingiting tanong niya.
Oo nga pala! Summer na at nakasanayan namin dito sa company na tuwing semana santa ay magbebeach kami. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Hundred Islands ang next destination namin.
"Matagal pa yun. Next month pa." Sagot ko.
"Mabilis na ang panahon no! You need to be ready. Lalo na at kasing gwapo na si Sir Trevon ang makakasama natin." Binulong lang ni Trina ang mga huling sinabi pero dinig na dinig ko ang boses niyang kinikilig.
"Ewan ko sayo Trina."
After office hours ay wala na akong nagawa ng isama ako nila Trina at Kaye sa mall para mamili ng swimsuit. Ang dami nilang pinapakita na swimsuit pero tinatanggihan ko dahil hindi ko kaya ang masyadong exposure non. Parang kita na pati kaluluwa ko.
"Come on Cassy! Pili na! Alangan mag pants at jacket ka sa outing natin." Sabi ni Trina at inirapan pa ako.
"Masyado naman kasing revealing yung mga pinipili niyo." Sagot ko.
"Duh! May swimsuit ba na hindi revealing?"
Sa huli ay nakapili din kami. Kay Kaye ay isang one piece swimsuit na kulay black since medyo conservative ang dyowa niya. Si Trina naman ay two piece na kulay pink samantalang ang pinili naman nila para sa akin ay isang red one piece na may butas sa parehong gilid. Yes. Sila ang pumili para sa akin. Ni hindi man lang nila ako binigyan ng chance na makapili.
Pagkauwi ko ay agad akong nagluto ng hapunan ko. Since tamad nga ako ay corned beef na nilagyan ng patatas lang ang niluto ko.
Kakain na sana ako ng magring ang cellphone ko. Tinignan ko ito at napakunot noo ng makitang number lang ang nakalagay.
For sure it's not Duke dahil may number na niya ako at nakasave na din ang number niya sa phone ko para alam kong hindi ko dapat sagutin ang tawag niya. Ayaw ko ng manghula pa kaya sinagot ko na ang tawag.
"Sino 'to?" Tanong ko sa caller.
"Hey. Did i disturbed you?" Feeling ko ay tinakasan ako ng hininga ng marinig ang boses niya.
"S-sir Trevon?" Nauutal na bigkas ko dahil gulat pa din ako.
"Yeah. Hmm. I'm here at your unit's building. What's your unit number by the way?"
Pagkatapos kong sabihin ang unit number ko ay nakita ko na lang ang sarili kong nag aayos. Oh my god! What the hell? Bakit siya pupunta? Nang makuntento na ako sa hitsura ko ay sakto naman na may kumatok sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan.
"S-sir." Oh shit! Did i just stuttered in front of him?
"I'm sorry." Yun agad ang sinabi niya ng makapasok siya. "I just needed someone to help me in editing my presentation tomorrow morning. Si Warren sana ang kasama ko but something emergency came up."
Hindi ko alam kung bakit pero na disappoint ako. Akala ko kaya siya pumunta dito ay dahil gusto niya lang pero hindi pala. Napailing ako para mabura iyon sa isip ko.
"Okay lang Sir." Nakangiting sagot ko.
Kumain muna kami ng dinner dahil may dala siyang pagkain galing sa isang sikat na restaurant. After eating ay nagsimula na din agad kami. Nag edit lang ako habang siya ay ginagawa ang para sa PowerPoint niya. Minsan ay sinusulyapan ko siya. Lihim akong napapangiti kapag ngumunguso siya na para bang naiinis na sa ginagawa. Napaiwas agad ako ng tingin ng tumingin din siya sa akin.
Oh fuck!
