CASSANDRA
Matapos kong kunin ang USB na kailangan ni Sir Trevon ay nagmadali din ako pabalik sa office. Buti na lang at pinahatid niya ako sa company driver kaya hindi masyadong hassle.
Nang makasakay ako sa elevator ay saka ko lang naramdaman ang pagod. Nagmadali kasi ako dahil baka kailangan na niya ito. Nawala lahat ng pagod ko ng maramdamang may pumisil sa pwetan ko.
Nanlalaki ang mga mata ko ng lingunin ang lalaking nasa likod ko. Ang kapal ng mukha! Ang lakas naman ng loob nito at nginisian lang ako.
"Excuse me?" Mataray na tanong ko.
Gwapo siya pero bastos pa din siya. Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako habang nakangisi pa din.
"Nice ass." Nakangising sabi niya.
"Bastos!" Sigaw ko at sinampal siya.
Imbes na magulat siya ay tumawa lang siya. Walang hiya talaga!
Nang huminto na ang elevator ay agad akong lumabas. Lumabas din ang lalaki kanina. Nginitian niya muna ako at kinindatan bago siya naunang maglakad papunta sa office ni Sir Trevon.
Tumayo lang si Warren at nginitian ang manyak na yun. At kaano ano ni Sir ang manyak na lalaking ito?
Sa sobrang inis ko sa lalaking iyon ay dumiretso agad ako sa loob ng office. Hindi ako kumatok. Naabutan ko siyang nakaupo sa harap ng table ni Sir.
"Excuse me Sir." Nalipat ang tingin nila sa aking dalawa.
Yung manyak ay nakangisi pa din samantalang si Sir ay parang nakahinga ng maluwag ng makita ako. Lumapit ako sa kanila at inabot ang USB.
"Thank you." Nakangiting sabi ni Sir.
"Welcome Sir." Sunod kong tinapunan ng tingin ang lalaking nakatingin pa din sa pwet ko. "Bastos ka ba talaga?"
Tinignan niya ako at tumawa lang. Nakalimutan ko na si Sir sa sobrang inis ko sa manyak na ito.
"You know what. You have a nice and soft ass." Malokong sabi niya.
Huminga ako ng malalim at sinampal siya ng isa pang beses. Tulad kanina ay tinawanan niya lang ako imbes na magulat o magalit. Magsasalita pa sana ako ulit ng matigilan ako sa sinabi ni Sir Trevon.
"What the hell, Kuya?"
---------------
Hindi ko talaga alam ang gagawin kung sakaling may pasok ngayong araw. Pagkatapos kong malaman na kapatid pala niya ang manyak na iyon ay bigla na lang ako tumakbo.
Nakakahiya!!
Anak pala siya ng may ari ng kumpanya at kapatid niya ang boss ko. Oh my god! What the hell?!
Maghapon lang akong nakahiga dito sa kama ko. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa magkapatid. I slapped him twice! I shouted at him too!
Bago pa ako mabaliw sa kakaisip ay napagdesisyunan kong maligo na. I need to freshen up.
Kinabukasan naman ay tahimik lang ako. I didn't talked to Trina too. And I'm so thankful that manyak isn't around. Hindi pa din kami nagkikita ni Sir Trevon at mas maganda iyon.
Nang matapos ang office hours ay nagpaalam ako agad kay Trina. She asked me kung may problema ba but i just said I'm not feeling well.
Since malapit lang ang unit ko dito sa office ay naglakad na lang ako. Bago umuwi ay naisipan kong magdinner sa restaurant na malapit lang para wala na akong aalalahanin pag uwi.
I was in the middle of eating when someone grabbed my hand. Nanlaki bigla ang mga mata ko at tinignan agad ang humawak sa akin pero agad akong nakaramdam ng inis ng makita ang manyak na yun.
"What do you want?" Mataray na tanong ko. We're not in the office and he's not totally my boss kaya siguro malakas ang loob ko.
Tumawa siya bago bitawan ang kamay ko at naupo sa harap ko. Bigla tuloy akong nawalan ng gana.
"I just want to know if your hand is soft like your ass does." Kibit balikat na sagot niya na para bang wala lang sa kanya yun.
"Bastos!" Singhal ko sa kanya.
"I know baby. But don't worry sayo lang naman ako ganito." Lalo akong nainis sa itinawag niya sa akin.
"Stop calling me that. Can you just leave me alone?" This guy starting to annoy me.
"That hurts." Umakto siyang nasasaktan. "Kadarating ko lang baby."
"Kapatid ka ba talaga ni Sir Trevon? Sobrang magkaiba kayo." Naiiling na sabi ko.
"Because his boring. Mas masaya akong kasama kaysa sa kanya." Nakangising sagot niya. "You know what kung alam ko lang na mayroon pa lang magandang empleyado katulad mo ang company baka pumayag ako sa alok ni Daddy na imanage ang kumpanya. But it's okay. I can visit you always." Kumindat pa siya.
Inirapan ko na lang siya. Tumayo na ako dahil tuluyan na akong nawalan ng gana kumain. Naglakad na ako ulit papunta sa building kung nasaan ang unit ko pero sinusundan niya pa din ako. Marami siyang sinasabi pero hindi ko na lang pinapansin. Bahala siya dyan.
Nang makapasok na ako sa building ay nakasunod pa din siya, nilingon ko siya pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.
"Good night baby. Dream of me." Nakangising sabi niya bago tuluyang umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)