HOG 25

649 24 2
                                    

CASSANDRA

"T-trevon."

Kitang kita ko ang paggalaw ng kaniyang panga at ang pagtalim ng kaniyang tingin sa akin.

"Who's that guy?" nagpipigil na tanong niya.

"Trevon, anong ginagawa mo dito?" tinignan ko ang kaniyang kabuuan at ngayon ko lang narealize kung gaano ko siya kamiss.

"Sino ang lalaking iyon, Cassandra?!" galit na tanong niya.

Bumuntong hininga ako at imbes na magalit din ay nanatiling kalmado.

"He's my boss, okay. Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap?" hinaplos ko ang kaniyang pisngi at nginitian siya. "Alam kong mali pero.. masaya akong makita ka ulit."

Unti unting huminahon ang kaniyang ekspresyon at niyakap ako ng mahigpit.

"I miss you honey. I miss you so much." pabulong niyang sabi.

Nagpunta kami sa kaniyang hotel room para doon mag usap. Hindi na niya binitawan pa ang aking kamay at magkatabing naupo sa kaniyang kama. Saglit niya akong tinitigan na para bang hindi pa makapaniwala na magkasama na kami ngayon.

"Let's go back. Sumama ka na sa akin pabalik." nakikiusap niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng maigi. He still looks so handsome. Walang ipinagbago at parang lalo pa siyang gumwapo.

"I can't." maikling sagot ko.

"If it's about Dad, kinausap ko na siya." sabi niya na ikinagulat ko. "Dad saw how broke I am when you left me. Sinabi niya sa akin ang lahat, nagsorry siya at sinabing kinain lang siya ng galit dahil sa pagkamatay ni Lola." hinawakan niya ang aking pisngi at pinakatitigan ako. "We can go back now. Pwede na tayong bumalik ng magkasama."

Saglit akong nag isip. Is it true? Totoo bang matatanggap na kami ng pamilya niya? Matiyaga siyang naghintay sa magiging sagot ko. Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Unti unting lumapit ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa aking labi. Tinugon ko ng buong pagmamahal ang kaniyang halik hanggang sa tuluyan na akong nalunod sa pinaparamdam niya sa akin.

Noong humiwalay siya at tinitigan ako ay saka ko lang napagtanto na nakahiga na pala kami sa kaniyang kama.

"Can you promise me that when I wake up in the morning, you're still here with me?" namumungay ang kaniyang mga mata at hindi inaalis ang tingin sa akin. "Wag mo na akong iwan ulit, please. Baka ikamatay ko na."

Ngumiti ako at bahagyang bumangon para halikan siya.

"I won't leave you again. Paggising mo bukas ay nandito pa rin ako."

Ngumiti siya at pinagpatuloy ang paghalik sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses akong inangkin ni Trevon ng gabing iyon. Gigil na gigil siya at siguro kung hindi ko pa sinabing masakit na ang katawan ko ay hindi pa siya titigil.

Nang magising ako ng alas onse ng gabi ay bumangon muna ako para itext si Kuya Harvy. Isinuot ko ang bathrobe at muling naupo sa kama.

To: Kuya Harvy
Hindi ako uuwi ngayon. I'm with Trevon.

Nang maisent ko iyon ay ilang minuto lang ang lumipas ay tumawag siya agad. Nilingon ko si Trevon na mahimbing na natutulog bago ako lumabas ng veranda para doon kausapin si Kuya.

"Tama ba yung text mo? Kasama mo ang ex mo?" iyon agad ang bungad ni Kuya ng sagutin ko ang kaniyang tawag.

"He's not my ex, Kuya. Umalis lang ako but we didn't broke up."

"Eh bakit kasama mo na naman yan? Akala ko ba ayaw sayo ng pamilya niya?" nahalata ko sa boses ni Kuya ang pag aalala.

"Okay na. Nag usap na sila ng Dad niya."

"So? What's your plan now?"

"Gusto niyang sumama na ako pabalik sa Pilipinas."

"And your work?"

"Magreresign?" patanong na sagot ko.

Narinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong hininga sa kabilang linya.

"Kausapin mo ng maayos si Marco."

"Yeah. I'll talk to him tomorrow."

"Good. Take care, okay? Tumawag ka agad kapag may nangyaring masama."

"Thanks Kuya. Good night." nakangiting sabi ko.

Pinatay ko na ang cellphone ko at napabuntong hininga na naman. Pinagmasdan ko ang maliwanag na paligid. May iilan ding mga sasakyan at mga taong naglalakad sa kalsada.

Bahagya akong nagulat ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Akala ko umalis ka na naman." halata pa sa boses ni Trevon ang labis na pagkaantok.

Humarap ako sa kaniya at nginitian siya.

"Kinausap ko lang si Kuya. Sabi ko naman, hindi na ako ulit aalis di ba?" hinawakan ko ang kaniyang magulong buhok at bahagyang sinuklay iyon. "Tulog na tayo ulit?"

Ngumiti siya at hinalikan muna ako ng mabilis sa labi bago tumango.

"Are you still sore?" nakangising tanong niya.

Agad ko siyang hinampas sa kaniyang braso at sinimangutan na ikinatawa niya.

"Sobra! Wala kang kapaguran kanina." nakasimangot kong sagot.

"I just missed you so much." unti unting nagseryoso ang kaniyang mukha at hinaplos ang aking pisngi. "Pagkatapos mong ipatikim sa akin ang sarap ng unang gabi natin ay iniwan mo naman ako agad." namula ang aking pisngi dahil sa narinig.

"Hindi ka ba naghanap ng ibang babae noong umalis ako?"

"Abala ako sa paghahanap sayo. Tingin mo ba may panahon pa akong maghanap ng iba?" sagot niya na ikinangiti ko.

Nang makahiga sa kama ay agad akong niyakap ni Trevon. Agad akong napangiti at niyakap din siya. Inayos niya ang kumot namin at naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo.

"Good night honey." bulong niya.

"Good night hon." pumikit na ako na may ngiti sa labi.

I feel home again.

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon