HOG 24

522 18 1
                                    

CASSANDRA

Sa loob ng dalawang buwan kong pagtatrabaho bilang secretary ni Mr. Marco Delos Santos ay nasanay na ako sa pakikitungo ng ibang katrabaho ko sa akin. Yung ibang babae kasi ay kung anu ano na agad ang iniisip sa akin. Nilalandi ko daw si Sir at nagpapaganda para mapansin niya. Binabalewala ko na lamang iyon lalo na at alam ko naman ang totoo.

"Bruha talaga si Grace! Sinisiraan ka na naman sa ibang empleyado!" gigil na sabi ni Alice na isa ding pinoy at nasa accounting department.

"Hayaan mo na siya. Magsasawa din yan." sabi ko at nagpatuloy lang sa pagkain.

Umiling iling siya at mukhang mas naistress sa akin kaya natawa ako.

"Bakit nakakatawa ka pa dyan?" nakasimangot niyang tanong.

"Kasi alam ko naman na ginagawa ko ang trabaho ko kaya hindi ako nagpapaapekto sa paninira niya. Tsaka wag ka ngang mastress dyan!" nginitian ko siya na lalo niyang ikinasimangot.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magring ito. Nang makita kong si Marco pala ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"Yes Sir?" pormal kong bati sa kaniya.

"Where are you?"

"Nasa cafeteria pa, Sir."

"Bilisan mo, kailangan na nating umalis."

"Copy Sir."

Nang patayin ko na ang tawag ay sumubo lang ulit ako ng isang beses at uminom ng juice at nagmamadaling magpaalam kay Alice.

"Bye na! Aalis na daw kami."

Nakipagbeso ako sa kaniya bago tuluyang umalis doon. Nang makapasok sa opisina ni Marco ay naabutan ko siyang nagsusuot ng coat. Nang mapansing magulo ang kaniyang neck tie ay agad akong lumapit sa kaniya para tulungan siyang ayusin iyon.

"Naubos mo ba ang pagkain mo?" tanong niya at ramdam ko ang pagtitig sa akin pero hindi ko siya nilingon.

"Yup. Tatawagan ko na ba si Kuya Jose?" ng matapos ako sa pag aayos ng kaniyang neck tie ay saka ko lang siya tinignan.

"I already did. Pack your things already." tumango ako at nginitian siya bago pumunta sa table ko para ayusin ang aking mga gamit.

Hindi ko masasabing close na kami ni Marco pero feeling ko ay friends naman na kami. I mean, nakakatakot siya sa umpisa pero mabait naman. Kumportable na din kami sa isa't isa kahit dalawang buwan pa lang kaming magkasama.

Nang makasakay sa kaniyang sasakyan ay chineck ko ang aking tablet para basahin ang mga schedule niya bukas. Napakunot noo ako ng may mabasang meeting na alam ko namang hindi ako ang naglagay.

"May lunch meeting ka bukas with Ms. Serena?" kunot noo ko siyang nilingon. "Sino ito?" paniguradong siya ang naglagay nito kaninang naglunch break ako.

"A friend of mine." nilingon niya ako at nginisian. "Don't look at me like that."

"Bakit? Paano ba ang tingin ko sayo?" nagtatakang tanong ko.

"You look like a jealous girlfriend. Baka iba ang isipin ko." sagot niya na ikinatawa ko.

"Sira!" naiiling na sabi ko at ibinalik na ang tingin sa tablet. "May meeting ka ng 3pm ha. Don't forget. Important client natin si Mr. Yushima."

Tumango tango naman siya bilang sagot.

Nang makarating sa restaurant kung saan namin kikitain ang isa pa niyang kliyente ay nagsimula din agad ang kanilang meeting. Nag take notes lang ako hanggang sa matapos iyon at nagkwentuhan na muna sila. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Napakunot noo ako ng wala naman akong ibang nakita na kakaiba. Baka pakiramdam ko lang iyon?

"Thank you Mr. Tamayo." sabi ni Marco nang matapos ang meeting at lumabas na kami sa restaurant.

"Thank you po." nakangiting sabi ko at bahagyang yumuko.

"I'll go ahead." tumango kami kay Mr. Tamayo at pinanood siyang sumakay sa kaniyang sasakyan.

"May personal kang lakad di ba? Pwede na ba akong umuwi?" agad akong nilingon ni Marco.

"Why? Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Hindi naman. May gagawin lang sana ako."

"Ihahatid na muna kita."

"Ah hindi na. May kailangan pa akong puntahan." pinaningkitan niya ako ng mata.

"You sure?" tumango ako at nginitian siya.

"Sige na!" itinulak ko pa siya para sumakay na siya sa kaniyang kotse. "Bye!"

"See you tomorrow." tumango ako at kumaway sa kaniya.

Nang mawala na sa aking paningin ang kaniyang sasakyan ay saka ako naglakad paalis para pumunta sa book store.

Habang naglalakad ay nanlaki ang aking mga mata ng biglang may kamay na tumakip sa aking bibig at dinala ako sa isang eskinita. Sisigaw na sana ako pero parang nawalan ako ng lakas ng makita ang galit na tingin ni Trevon sa akin.

"T-trevon."

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon