CASSANDRA
Siguro nga ay talagang lasing na ako dahil imbes na mahiya sa napakagwapong lalaki na nasa harapan ko ay mas pinag igihan ko pa ang paggiling sa kanyang harapan.
Hindi siya gumagalaw. Mataman lamang siyang nakatingin sa akin na para bang tinatansiya niya ako.
"Sayaw ka naman hottest bachelor in town." Mapang akit kong bulong sa kanya at humagikgik pa.
Naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa aking baywang. Kaya napangiti ako lalo. Medyo gumagalaw na siya. Ilang minuto pa kaming nagsayaw bago unti unting bumaba ang tingin niya sa aking labi.
"Wanna taste my lips?"
Unti unting bumaba ang kanyang mukha sa akin. Nararamdaman ko na ang hininga niyang napakabango. Nang halos isang dangkal na lang ang aming pagitan ay bigla akong lumayo.
"Not so fast, handsome." Natatawa kong sabi sa kanya.
Agad akong bumalik sa mesa namin at nag aya ng umuwi.
"Huy Cassy!" Nabalik ako sa reyalidad ng bigla akong kalabitin ni Trina. "Okay ka lang girl? Huwag mo sabihin na may hang over ka na naman?" Taas kilay niyang tanong sa akin.
Parang noong isang araw lang ay hinihiling kong wag na kami ulit magkita ng lalaking nakasayaw ko sa bar pero kahapon ay nagkita na nga kami. Boss ko pa!
Hindi pa din ako makapaniwala na yung lalaking nakasayaw ko at ang anak ni Mr.Rockwell ay iisa. Kung alam ko lang ay hindi ko gagawin ang kahihiyang iyon.
Ininom ko ang red wine na nasa aking harapan.
"May naalala lang." Sagot ko kay Trina.
Nandito kami ngayon sa isang 5 star hotel sa Maynila para sa despedida ni Mr.Rockwell at para na din sa welcome party ng kanyang anak. Suot suot ko ang black fitted dress na binili namin ni Trina kahapon sa mall. Hindi naman sa pagmamayabang pero makurba talaga ang katawan ko kaya naman proud akong magsuot ng mga ganitong damit na hindi nahihiya.
"Ang pogi talaga ni Sir Trevon no?" Napatingin din ako sa tinitignan ni Trina at nakita ko si Sir Trevon na masayang nakikipag usap sa ibang empleyado. "Mukhang mabait pa."
Nakasuot lang siya ng blue polo pero sobrang lakas pa din ng dating. I wonder kung ilan ang abs niya.
Okay. Stop there Cassandra! Ang halay mo masyado. Uminom na lang ako ulit ng wine ng hindi inaalis ang mga mata sa kanya pero halos ibuga ko ang iniinom ng bigla siyang tumingin sa aking gawi at nagkatinginan kami. Agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya at binalik kay Trina ang tingin na ngayon ay may kakaibang tingin sa akin.
"W-what?" Kinakabahang tanong ko sa kanya dahil sa tingin niya. Nakita niya ba ang pag iwas ko sa boss namin?
"Nothing." Sagot niya pero alam kong hindi iyon ang gusto niyang sabihin.
"Okay." Nakahinga ako ng maluwag. "Restroom lang ako." Paalam ko bago tuluyang umalis.
Agad ko din namang nahanap ang cr dahil malapit lang ito sa convention hall kung saan nagaganap ang party.
Gusto ko sanang hilamusan ang mukha kong halata ang kaba kaso wala akong dalang make up. Si Trina kasi ang nag ayos sa akin kanina dahil alam niyang wala akong hilig sa ganito. Ang sabi niya pa'y baka makutusan niya ako kung pumunta ako dito na nakapulbo at lipgloss lang.
I stayed here for ten more minutes before i decide to go out. Baka hinahanap na din ako ni Trina.
"What took you so long?"
"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat pero mas nagulat ako ng makilala kung sino ang nasa harapan ko ngayon. "S-sir."
"Chill!" Natatawang sabi niya. "You look pale."
"S-sorry po." Nahihiyang sabi ko.
"Sorry for what? Sorry for what happened today or sorry for what happened 4 days ago at the bar?" Seryosong tanong niya.
"B-both?" Patanong na sagot ko.
Awtomatiko akong napaatras ng bigla siyang lumapit sa akin pero agad ding napatigil ng maramdaman ko ang pintuan ng cr sa aking likod.
"You know what? Nabitin talaga ako noong gabing yun." Bulong niya sa akin dahilan ng pagtaasan ng aking balahibo sa braso at parang kiniliti ang aking batok. "You just left me alone."
Hindi ko alam kung paano ako nakabalik dito sa table namin ni Trina ng hindi man lang natutumba. Nanginginig pa din hanggang ngayon ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko'y nandito pa din siya sa aking harapan at naririnig ko pa din ang kanyang bulong.
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)