CASSANDRA
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig kay Trevon na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Nakagat ko ang aking labi at hinawakan ang kaniyang pisngi.
"I'm sorry but I have to leave you." naiiyak kong bulong. "Please, always remember that I love you so much."
Sa huling pagkakataon ay pinatakan ko ng halik ang kaniyang labi bago tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama at tuluyan ng umalis.
Nang makarating sa unit ko ay agad akong nag impake ng mga mahahalagang bagay. Damang dama ko ang hapdi sa ibabang parte ng aking katawan pero sinikap kong bilisan ang pagkilos dahil kapag nagising si Trevon ay siguradong pupunta siya agad dito. Ilang damit lang din ang dinala ko dahil may mga damit pa naman ako doon sa bahay ni Kuya Harvy.
Nang matapos ay dumiretso na ako sa airport. Agad akong napatingin sa aking cellphone ng magring ito at nakitang tumatawag si Trevon. Napabuntong hininga ako at ini-off ito bago itago sa aking bag.
Habang nakasakay sa eroplano ay nakatulala lamang ako sa bintana. I badly want to check my phone pero pinigilan ko ang aking sarili. Baka kapag nakita kong nagtext siya ay bumalik lang ako sa kaniya. Baka kapag nalaman kong nag aalala siya dahil nagising siyang wala na ako sa kaniyang tabi ay ako lang din itong magkumahog na bumalik sa kaniya.
"Baby sister!" agad akong napangiti at niyakap si Kuya Harvy na sumundo sa akin sa airport. "I miss you, baby sis."
"I miss you too, Kuya."
Agad din kaming umuwi sa bahay niya. Hindi naman kalakihan ang kaniyang bahay pero may dalawa namang kwarto. Napag isipan ko ding mag apply bukas para may pagkaabalahan naman ako dito.
"Maghahanap ka agad ng trabaho?" gulat na tanong ni Kuya habang kumakain kami sa isang restaurant. "Bakit hindi ka muna mamasyal? Kadarating mo lang ah."
"Gusto kong may pagkaabalahan Kuya. Tsaka pwede pa din naman akong mamasyal kahit magkatrabaho ako agad."
Umiling iling si Kuya bago siya napabuntong hininga.
"Okay. I'll ask my friend. Pwede ka niyang bigyan ng trabaho." agad akong napangiti dahil doon.
"Talaga?"
"Yup. Sakto dahil naghahanap din siya ng secretary."
"Thanks Kuya!"
Kinabukasan ay maagang umalis si Kuya Harvy para pumasok sa trabaho. Ako naman ay may interview mamaya doon sa kaibigan niyang nangangailangan ng secretary. Hindi naman daw ako mahihirapang pakisamahan iyon dahil Pilipino din naman pero syempre ay kailangan ko pa ding matutong magjapanese.
After kong mag ayos at kumain ay umalis na din ako. Nilakad ko na lang papunta doon sa opisina ng kaibigan ni Kuya dahil malapit lang naman at maganda ding maglakad lakad dito.
Huminto ako sa isang mataas na building. Bigla ko tuloy naalala si Trevon. Kamusta na kaya siya? Hinahanap kaya niya ako? Is he okay? Napabuntong hininga ako at napailing.
"Good morning." nakangiting bati ko sa security guard. "I'm here for an interview with Mr. Delos Santos."
"You're Ms. Cassandra?" tumango ako at ngumiti.
Pagkatapos akong papasukin ng guard ay sumakay ako sa elevator para pumunta sa office ni Mr. Delos Santos. Pagkarating sa 13th floor ay may babaeng sumalubong sa akin.
"This way Ma'am."
Pinanood ko lang siyang kumatok ng tatlong beses sa malaking pintuan.
"Come in."
Binuksan niya ang pintuan at pinapasok ako. Ngumiti naman ako at nagpasalamat bago tuluyang pumasok sa loob.
Naabutan ko ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair at abala sa pagtitipa sa keyboard.
"Good morning Sir."
"You can start now." sabi niya ng hindi man lang ako nililingon na ikinagulat ko.
"Sir?" gulat kong sabi.
Nag angat siya ng tingin sa akin at bigla akong natakot ng magtagpo ang aming mga mata.
"You're hired." seryosong sabi niya. "You can already start your work at that table." tinignan ko ang tinuro niyang mesa na hindi kalayuan sa kaniya. "I don't want any mistakes. That's my only rule."
Napalunok ako at tumango kinalaunan. Grabe naman ito! Paano kaya sila naging magkaibigan ni Kuya?
Tumaas ang kilay niya kaya napangiti ako ng alanganin bago pumuwesto sa magiging working table ko.
"Edit it and I want you to make a summary about that report." agad akong tumayo at naglakad palapit sa kaniya.
Kinuha ko ang folder na iniabot niya at nginitian siya.
"Yes Sir."
Bumalik na ako sa table ko at sinimulan ang pinapagawa niya. Chineck ko ng mabuti ang ginawa ko dahil tulad nga ng sabi niya kanina ay ayaw niya ng pagkakamali.
Napatingin ako sa pintuan ng marinig na may kumakatok. Nilingon ko si Mr. Delos Santos at tinignan din niya ako pabalik na ikinakaba ko.
"Come in."
"Sir, this is the report of the finance department for the month of August." napatingin ako sa babaeng pumasok.
Maganda siya, matangkad, sexy kaso parang sobrang ikli naman ng kaniyang palda at fit na fit pa ang puting blouse. Nilingon ako noong babae kaya nginitian ko siya pero sa gulat ko ay inirapan niya ako.
"Don't roll your eyes at my secretary."
Pareho kaming nagulat at napalingon ng magsalita si Mr. Delos Santos. Abala siya sa pagbabasa ng report pero nakita niya iyon? How come?