CASSANDRA
Nang makaalis si Duke ay pareho kaming natahimik ni Trevon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nanatili na lamang akong tahimik. Baka kasi may masabi lang akong mali. Napatingin ako sa kanya ng bumuntong hininga siya.
"I'm sorry for being possessive and jealous boyfriend." Panimula niya. "I just.. I just can't stand here seeing you with another guy."
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"You don't have to feel sorry. I understand you. Kahit ako naman ganoon din ang gagawin ko." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nginitian siya. "I love you, Trevon."
"And I love you too, Cassandra."
At dahil linggo ngayon ay nagstay na lang muna kami dito sa unit ko. Nagpadeliver siya ng maraming pagkain at nagmovie marathon kami. Inaya niya akong magmall pero sinabi kong tinatamad ako lumabas kaya nagstay na lang kami dito. Ganitong date lang ay masaya na ako basta siya ang kasama ko.
"Hon?" Pagtawag ko sa atensiyon niya.
"Hmm?" Sagot niya habang nakatutok sa TV.
"Bakit nagpulis si Duke?" Kunot noo siyang tumingin sa akin kaya natawa ako. "I'm just curious okay? Siya kasi ang panganay sa inyo. Hindi ba dapat siya ang hahawak ng kumpanya ninyo? Bakit siya nagpulis?" Curious kong tanong.
"Bata pa lang kami gusto na talaga ni Kuya na magpulis. Noong una ayaw pumayag ni Daddy dahil siya nga ang hahawak sa kumpanya pero ng mag aral si Kuya ng college ay hindi namin alam na criminology pala ang kinuha niya. Minsan na lang din kasi siya umuwi noon dahil binigyan na siya ni Dad ng unit." Napatango tango ako.
"How about you? I mean, wala ka bang ibang gustong maging trabaho noon?"
"Wala. Bata pa lang ako palagi na akong sinasama nila Dad sa company kaya yun na din ang naging pangarap ko." Natawa siya na parang may naalala. "Isa pa, nakita ko kung gaano kagusto ni Kuya na magpulis kaya nagpaubaya na din ako. It's his dream at susuportahan ko siya."
Napangiti ako ng marinig ang sagot niya.
"Duke is so lucky to have you as his brother." nakangiting sabi ko.
"I'm luckier to have him. Bata pa lang kami palagi na niya akong pinagtatanggol. Ginampanan niya ng maayos ang pagiging Kuya ko." Nakangiting sabi niya.
Nang mag alas diyes na ng gabi ay nag paalam na din siyang uuwi. Natawa ako ng makita ang nakasimangot niyang mukha.
"What's with the face?" Natatawang tanong ko.
"I'm going to miss you." pigil na pigil ko ang paglawak ng aking ngiti.
Shet! Kinikilig ako!
"Silly. Magkikita naman tayo bukas sa opisina."
Hindi na siya sumagot at niyakap na lang ako ng mahigpit.
Nang makaalis siya ay naghalf bath ako at nagpalit na ng damit pantulog.
I was about to text him pero naunahan na niya ako.
Goodnight. I love you hon.
Napangiti ako at hindi na lang nagreply dahil paniguradong magtatagal na naman ang pag uusap namin.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may mga naiwan pa akong papeles na kailangang ayusin. Ako pa lang ang nasa floor namin ng dumating ako. Nagtimpla muna ako ng kape bago ko sinimulan ang aking trabaho.
"Oh aga mo ah." sabi ni Trina. Lumapit siya sa akin at nakipagbeso.
"May kailangan lang gawin." maikling sagot ko.
Hindi din nagtagal ay isa isa na ding nagdatingan ang mga katrabaho namin. Tutok na tutok ako sa computer ng marinig ko ang aking mga kasama na binati si Trevon.
"Good morning Sir."
Nang tignan ko si Trevon ay napangiti ako. Bahagya din siyang ngumiti sa akin bago pumasok sa elevator para pumunta sa kaniyang opisina.
"Good morning Ma'am." agad kong nag angat ng tingin para tignan kung sino ang bagong dating.
Nagulat ako ng makita si Hailey. Ngumiti siya sa mga bumati sa kaniya bago pumasok sa elevator.
"Grabe! Ang ganda ni Ma'am Hailey no?" dinig kong sabi ng isa sa mga lalaking katrabaho ko.
"Siguro nagdedate na sila ni Sir Trevon." si Trina naman iyon at nagawa pa akong kalabitin na agad kong ikinalingon sa kaniya. "Bagay sila ni Sir no?" nginitian ko lang siya ng bahagya at ibinalik ang aking tingin sa nakasaradong elevator.
Alam ko naman magkaibigan lang sila. Ipinaliwanag na iyon ni Trevon pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi magselos. Nalipat ang aking tingin sa aking cellphone at gusto na siyang itext pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong maging masyadong clingy sa kaniya dahil baka masakal lang siya. Bumuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy na ang trabaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)