CASSANDRA
Nang makapasok ako sa aking unit ay agad kong inayos ang mga dadalhin kong gamit para makapunta na ako agad sa Cavite. Walang kasama ang kambal kong pinsan doon dahil si Uncle na lang naman ang kasama nila. Namatay si Anti Helga noong ika apat na kaarawan nang kambal at malayo ang mga kamag anak namin sa kanila kaya siguradong walang umaasikaso sa kanila.
Pasakay pa lang ako sa bus ay tinatadtad na ako ng tawag at text ni Trevon pero ni isa ay wala akong sinagot. Isinilent ko ang aking cellphone at nilagay iyon sa aking bagpack.
Nang makarating ako sa Cavite ay sumakay naman ako ng tricycle para makapunta sa bahay nila Uncle. Nang makarating doon ay narinig ko agad ang hagulgol ng kambal kahit nasa labas pa lang ako ng pintuan. Huminga ako ng malalim bago kumatok.
Agad akong naawa kay Sunshine ng makita ang kaniyang namumugtong mga mata.
"Ate Cassandra?" tipid ko siyang nginitian at agad naman niya akong niyakap ng mahigpit. "Ate! K-kinuha nila si Papa. Nasaan na siya? B-babalik ba siya?"
"Shh. Tahan na." yun na lang ang nasabi ko dahil hindi din ako sigurado kung makakabalik pa si Uncle dito.
Pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay at nakita ko naman ang kakambal ni Sunshine na si Peter na nakaupo lamang sa silya habang umiiyak. Agad ko siyang niyakap at pinatahan.
"Wag na kayong umiyak. Sasamahan ko na muna kayo ha."
Sunshine and Peter is just eleven years old. Sobrang bata pa nila para sa ganito. Para mawala ang pareho nilang magulang ay mahirap.
"Ate totoo bang nakapatay si Papa?" tanong ni Peter na ngayon ay medyo nahimasmasan na.
"Hindi niya naman sinasadya." sagot ko at hinawakan ang kamay nilang dalawa. "Magiging okay lang si Papa niyo."
"Pwede ba namin siyang makita Ate?" tanong naman ni Sunshine.
"Sa ngayon ay hindi pa pero dadalhin ko kayo sa susunod." agad silang tumango.
Pagkatapos ko silang pakainin ay pinatulog ko na sila sa kanilang silid. Naupo ako sa upuan dito sa sala para tawagan si Mama.
"Ma!"
"Anak? Bakit ka napatawag? May problema ba?" tanong niya. Minsan lang kasi ako tumawag sa kaniya dahil madalas ay siya itong nauunang tumawag sa akin.
"Si Uncle Nic kasi.. nakakulong."
"What? What happened?" nag aalalang tanong niya.
"Nakasagasa si Uncle six months ago. Nahuli siya kaninang umaga."
"Oh my God! Kamusta na siya? Eh yung kambal?"
"Nandito ako ngayon sa Cavite, Ma. Ang sabi ni Uncle ay hindi naman niya sinasadya at natakot lang kaya nagtago siya."
"Hindi ba pwedeng makiusap doon sa pamilya na naagrabyado niya?"
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi at napabuntong hininga.
"Lola ng boyfriend ko ang nasagasaan ni Uncle, Ma."
"Ha? Are you okay, anak?" napayuko ako at nararamdaman na naman ang pamumuo ng aking luha.
"I'm not fine, Ma." pag amin ko at tuluyan ng naiyak. "H-hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong ipagtanggol si U-uncle pero matibay ang pruweba na siya ang nakasagasa sa Lola ni T-trevon. And I know Trevon's family will hate me. Ma, I love him. M-mahal ko siya."
"Shh. Anak, calm down please. Uuwi kami nila Tito Anton mo dyan. Wait for us, okay?"
Tumango tango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. Nang magpaalam ako kay Mama ay halos ayaw niyang patayin ang tawag dahil nag aalala siya. Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa na nasa aking harapan at napatulala na lang habang patuloy pa din sa pagtulo ang aking mga luha.
Nang tumunog iyon ay agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at si Trevon iyon. Hinayaan ko lang na huminto ito sa pagring dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya.
I know I'm being unfair to Trevon pero sa ngayon ay kailangan ko munang mapag isa para makapag isip.
Agad kong kinuha ang aking cellphone sa lamesa ng magvibrate ito at makitang may text si Trevon.
From: Honey
Please call me. Nag aalala ako sayo. Always remember that I love you so much hon. I'll wait for you to come back to me.Nakagat ko ang aking pang ibabang labi ng lalong bumuhos ang aking luha pagkatapos kong mabasa ang kaniyang message. Huminga ako ng malalim bago nagtipa ng reply para sa kaniya.
To: Honey
I'm fine. I'm sorry Trevon.Nang maisend ko na iyon ay saglit akong napatitig sa reply ko sa kaniya. Umiling ako at nagtipa ulit ng panibagong text.
To: Honey
I love you too hon.Sent.