HOG 27

1K 32 36
                                    

CASSANDRA

Nang matapos ang office hours ay umuwi muna ako sa bahay ni Kuya Harvy para kumuha ng ilang damit bago pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Trevon. Nagtext na lang ako kay Kuya na doon ako ulit matutulog kay Trevon para hindi siya mag alala.

Nang makarating doon ay kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan.

"Hi." bati ko ng buksan ni Trevon ang pintuan.

Hindi niya ako binati pabalik at iniwan lang na bukas ang pintuan bago naglakad papunta sa kaniyang kama. Pumasok na ako at isinarado ang pintuan.

"Galit ka pa ba?" tanong ko habang pinapanood siyang nag iimpake ng mga gamit.

Hindi siya nagsalita kaya naupo ako sa kaniyang tabi at niyakap siya mula sa gilid.

"Wag ka ng magalit. Susunod naman ako agad." paglalambing ko pero hindi pa din siya umimik. Kinuha ko ang hawak niyang damit dahilan para tignan niya ako. "Aalis ka ba na ganito tayo?"

"I'm busy. Umuwi ka na lang sa Kuya mo." supladong sabi niya at binawi sa akin ang kaniyang damit.

"Hon, intindihin mo naman muna ako. Hindi ako pwedeng basta basta na lang umalis dito. Hindi ko pwedeng iwan ng may problema si Marco. Wala pa siyang secretary."

Nang lingunin niya ako ay mas naging seryoso ang kaniyang mukha.

"Hindi ka pwedeng basta basta na umalis at iwan siya dito pero ako ang dali mong iwan?" natigilan ako sa kaniyang sinabi. "Bakit hirap na hirap kang iwan siya pero noong iniwan mo ako ay madali lang?" naghihinanakit na tanong niya.

"Hon." hahawakan ko sana ang kaniyang kamay pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumayo sa akin.

"Umuwi ka na. I don't want to talk about it again. Kung sasama ka o susunod na lang ikaw na ang bahala."

"Trevon naman." naiiyak kong tawag sa kaniya.

"You choose. Sasama ka sa akin bukas o maiiwan ka dito?"

Hindi ako sumagot sa tanong ni Trevon kanina kaya heto at nakahiga kami sa kama pero tinalikuran naman niya ako. Napabuntong hininga ako at niyakap siya.

"I love you honey." bulong ko at pinatakan ng halik ang kaniyang batok.

Pinigilan ko ang mapangiti ng umangat ang kaniyang balikat dahil sa gulat.

"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan." supladong sabi niya na ikinangiti ko.

"Talaga ba?" mahinang bulong ko.

Idinikit ko ang aking dibdib sa kaniyang likod. Para naman siyang nakuryente na biglang lumayo sa akin. Bumangon ako at pumaibabaw sa kaniya.

"I want to sleep Cassandra."

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at pinatakan ng halik ang kaniyang labi. Napangiti ako ng makita ko ang pagpikit niya ng mariin. Nang muli siyang dumilat ay napalunok ako sa nakikitang pagnanasa sa kaniyang mga mata at sa bagay na unti unti ng nabubuhay at tumatama na sa aking tiyan. Napatili ako ng bigla niya akong inihiga at siya naman itong pumaibabaw sa akin.

"Kung inaakala mong madadaan mo ako sa ganito ay nagkakamali ka." sabi niya pero iba naman ang nakikita ko sa kaniyang mga mata idagdag mo pa yung nararamdaman kong tumutusok sa aking tiyan. "Matulog ka na."

Napatulala ako sa kisame ng bigla siyang umalis sa aking ibabaw at nahiga na ulit sa aking tabi. Napakurap ako at hindi makapaniwalang nilingon siya.

Did he just rejected me?

Sumimangot ako at nilingon siya. Katulad kanina ay nakatalikod pa din siya sa akin. Napangisi ako ng may maisip na paraan para pansinin na niya ako.

Sinadya kong iparinig sa kaniya ang pagbuntong hininga ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa sofa para kunin ang aking bag. Nang tignan ko siya ay nakatingin na siya sa akin. Pinapanood ang aking bawat galaw.

"Uuwi na lang ako. Mag ingat ka sa flight mo." tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa pintuan.

Bago ko pa mahawakan ang door knob ay pinigilan na niya ang aking kamay. Lihim akong napangiti pero agad ding nagseryoso noong nilingon ko siya.

"Bakit? Uuwi na ako. Mukhang ayaw mo naman na nandito ako."

I can see frustrations in his eyes. Kinagat niya ang kaniyang pang ibabang labi at nameywang.

"Two weeks. Yun lang ang kaya kong ibigay sayo. I'll wait you there." unti unti akong napangiti at tumango sa kaniya.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Thank you for understanding me."

Bumuntong hininga siya at niyakap na din ako.

"Two weeks. Dalawang linggo lang." pag uulit niya.

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon