CASSANDRA
Isang linggo na din ang nakakalipas simula noong mailibing si Uncle. Gusto sanang kunin nila Mama ang kambal pero sabi noong mga kapatid ni Uncle ay sila na daw ang bahala sa kanila. Hindi na kami umangal pa at pumayag na lang.
"Cassy, tawag ka ni Sir." agad akong tumayo ng marinig ang sinabi ni Warren.
Hanggang ngayon ay wala pa ding nakakaalam sa opisina kung ano talaga ang totoong relasyon namin ni Trevon pero mukhang may ideya na din si Warren at hindi lang siya nagtatanong. Hindi din nila alam kung ano ang nangyari noong mga nagdaang araw.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan bago narinig ang kaniyang boses.
"Come in."
"Pinapatawag mo daw ako, Sir?" pormal kong tanong ng makapasok.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya.
"Oo naman." nakangiting sagot ko.
Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Halos mahigit ko ang aking hininga. Why does he need to be this perfect? Agad niya akong niyakap ng tuluyan siyang makalapit.
"Mukhang ikaw ang hindi okay." niyakap ko siya pabalik. "May problema ba?"
"Nothing. I just missed you." sagot niya na ikinatawa ko.
"Para kang sira!" natatawang sabi ko at lumayo sa kaniya. "Magkasama naman tayo kanina ah."
Hindi niya pinansin ang aking sinabi at muli akong niyakap. Napangiti ako at nakuntento.
"Kahit ngayong yakap yakap kita ay namimiss pa din kita." napangiti ako at niyakap siya ulit ng mahigpit. "I love you honey. So much."
"I love you too, pero kailangan ko ng bumalik sa baba. Baka mag isip na sila ng kung ano."
"Edi sabihin na natin sa kanila ang totoo?"
"We will but not now, okay?" bumitaw ako sa kaniyang yakap at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Ayaw kong mag iba ang tingin nila sa atin. Kapag nalaman nilang boyfriend kita paniguradong may magbabago."
"Fine." napapikit ako ng halikan niya ako sa labi. "Sabay tayong magdinner mamaya ha?" ngumiti ako at tumango.
Nang makabalik sa aking table ay iba na agad ang tingin ni Trina sa akin.
"What?" natatawang tanong ko.
"Palagi kang pinapatawag ni Sir Trevon. Anong mayroon sa inyo?" naghihinala niyang tanong.
"Wala. May itinanong lang siya about sa construction ng building sa Makati." sagot ko at itinuon na ang pansin sa computer.
"Talaga ha?"
"Talaga."
Ilang saglit niya pa akong tinitigan bago niya ibinalik ang tingin sa kaniyang computer. Noong mag lunch break ay sumabay ako kina Trina. Si Trevon naman ay may lunch meeting kaya umalis siya kanina.
"Malapit nang matapos ang building sa Makati. Balita ko maililipat daw doon si Ma'am Mae at Sir Fred." sabi ni Kaye.
"Gusto ko din sanang lumipat doon kaso si Sir Trevon naman ang namimili." sabi naman ni Mich.
"Basta ako kuntento na dito. Nandito si Sir Trevon, lalayo pa ba ako?" kinikilig na sabi ni Nina na ikinatawa namin. "Pero tingin niyo ba may girlfriend na si Sir?" tanong niya dahilan para matigil ako sa pagtawa.
"Feeling ko sila ni Ma'am Hailey." bulong ni Trina. "Kung sila nga, napakaswerte ni Ma'am no! Sobrang gwapo ni Sir! Mayaman pa at mabait din naman."
"True! Bagay sila." pag sang ayon naman ni Kaye.
"Ikaw Cassy? Ano sa tingin mo?" tanong ni Trina.
Nagkibit balikat lang ako at nginitian sila. Hanggang sa matapos ang lunch break ay si Trevon at Hailey ang kanilang topic. Ni hindi ko nga alam kung paano ko natagalan ang manatili doon habang nakikinig sa kanila.
Inabala ko ang aking sarili sa trabaho at kinalimutan na lang yung mga sinabi nila kanina.
"Hmm. Cassy?" napalingon ako ng marinig na may tumawag sa akin.
Tumayo ako at nginitian si Liam. Napatingin ako sa paperbag na iniaabot niya sa akin.
"Ano 'to?" nakangiting tanong ko. "Malayo pa ang birthday ko."
"Hmm. Gusto ko sanang magtanong kung pwedeng manligaw?" tanong niya na ikinagulat ko.
Narinig ko ang hiyaw ng aming mga katrabaho. Ang sigaw ni Trina na sinasabing pumayag ako. At ang pagsuporta nila kay Liam.
"Liam.." napalunok ako at tinitigan siya ng mabuti na mahahalata ang kaba sa mukha. "I'm so.." natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang baritonong boses ni Trevon.
"What's happening here?" nang nilingon ko siya ay matalim ang kaniyang tingin kay Liam.
"Sir! Gustong manligaw ni Liam kay Cassy!" tuwang tuwa na pagbabalita ni Nina na ikinalaki ng aking mga mata.
"Ang sweet di ba Sir?" pagsabat naman ni Trina.
Gusto ko silang patigilin lalo na at mas sumasama ang tingin ni Trevon at nakikita ko na ang paggalaw ng kaniyang panga pero natulos ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang sinabi niya.
"No one can date Cassandra because I'm dating her. She's already mine."