CASSANDRA
Nang lumipas na ang halos thirty minutes na pananatili ni Hailey sa opisina ni Trevon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumayo na para pumunta doon.
"Saan ka pupunta girl?" agad na tanong ni Trina.
"May ibibigay lang ako kay Sir Trevon." sagot ko at dinampot na lang basta ang mga papel sa aking lamesa.
Maglalakad na sana ako paalis pero pinigilan ako ni Trina.
"Bakit?" kunot noo kong tanong sa kaniya.
"Mamaya mo na yan ibigay." mahina ang kaniyang boses na para bang nag iingat na walang makarinig sa kaniya.
"Bakit naman?" naguguluhan kong tanong.
"Thirty minutes na doon si Ma'am Hailey. Baka you know. Makaistorbo ka sa kanila." bumungisngis pa siya na ikinainis ko.
"Trina!" natigil siya sa pagtawa ng bigla akong sumigaw. "Walang ganoon na nangyayari okay?"
Nang tignan ko ang paligid ay nakita kong napunta na din sa amin ang atensyon ng iba pero hindi ko sila pinansin at naglakad na papunta sa elevator. Habang nakasakay sa elevator ay huminga ako ng malalim.
No. Trevon won't do that to me.
Nang makarating sa floor kung nasaan ang opisina ni Trevon ay agad kong nakita si Warren.
"Oh Cass! May kailangan ka ba?" tanong niya pero hindi ko na pinansin dahil dumiretso na ako sa opisina ni Trevon.
Nang buksan ko ang pintuan at makapasok sa loob ay agad akong natigilan ng makita kung ano ang ginagawa nila.
"What the fuck Hailey?!" sigaw ni Trevon ng itulak niya palayo si Hailey pagkatapos siya nitong halikan.
"Come on, Trevon! You know I like you right?" sabi naman ni Hailey na mukhang hindi pa napapansin ang aking presensya.
Umiling iling si Trevon bago napunta sa akin ang tingin. Agad nanlaki ang kaniyang mga mata at nakita ko ang pagkataranta sa kaniyang mukha.
"Honey!" agad siyang naglakad palapit sa akin. "It's not what you think okay? I pushed her. Tinulak ko siya agad." pagpapaliwanag niya.
Tinignan ko siya bago ko ilipat ang aking tingin kay Hailey na nakatayo pa din doon sa pwesto niya kanina.
"What do you want?" tanong ko kay Hailey na mukhang nagulat sa aking tanong. "This man who you kissed earlier is already have a girlfriend. And that's me. Ngayon kung may respeto ka sa akin total ay babae ka din naman. Please, stop flirting my boyfriend."
"And who are you? Kilala mo ba kung sino ako?" nagyayabang na tanong niya.
"I know you. Ikaw si Hailey na ipinipilit ang sarili sa lalaking may karelasyon na."
"I can't believe this girl!" nilingon niya si Trevon na parang nanghihingi ng tulong. "Trevon!"
"Umalis ka na, Hailey." mahinahong sabi ni Trevon at ng tignan ko siya ay seryoso lamang siyang nakatitig sa akin.
"What?! I'm your friend!" pag aalburoto ni Hailey.
"And she's my girlfriend. Now go. Habang mabait pa ako."
Tinignan ako ng masama ni Hailey bago siya tuluyang lumabas ng opisina na nagpupuyos sa galit.
Nang tuluyang makalabas si Hailey ay hinarap ko si Trevon na ngayon ay nakangiti na habang nakatingin sa akin.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" mataray kong tanong.
"You have no idea how hot you look while saying those words to Hailey." napanguso ako para mapigilan ang pagngiti. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you. Thank you for saying that I am yours."
Pabiro ko siyang tinulak at sinimangutan.
"Maghugas ka ng bibig. Mag toothbrush. Mag mouthwash! No kiss for one week." mataray kong sabi bago nangingiting naglakad palayo sa kaniya.
"What?! Honey!" he groaned kaya natawa ako ng mahina.
Nang makalabas na ako sa kaniyang opisina ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Masarap pala sa pakiramdam yung malaya kang nasasabi kung sino ang taong mahal mo. Yung walang itinatago. Napangiti ako at kinawayan si Warren bago ako tuluyang bumalik sa floor namin.
Nang sumapit ang alas singko ng hapon ay agad kong inayos ang aking mga gamit. Niligpitan ko din ang table kong sobrang gulo. Kanina ay inusisa ako ni Trina pero hindi ko na lang siya sinagot.
Nang matapos kong ligpitan ang table ko ay naupo na muna ako at tinignan ang aking cellphone kung may text na ba si Trevon at hindi naman ako nabigo. Agad kong binasa ang kaniyang text.
From: Honey ❤️
Hintayin mo ako sa parking lot. I love you.Napangiti ako at hindi na lang nagreply. Nagpaalam na ako kay Trina at sa ibang katrabaho ko bago naunang bumaba para walang makakita sa akin na sa parking lot ako pupunta.
Nang makarating sa parking lot ay agad akong dumiretso sa sasakyan ni Trevon at dahil wala pa siya doon ay nagtago na lang muna ako sa gilid. Lumipas na ang kinse minutos pero wala pa din siya kaya naman itetext ko na sana siya ng may biglang tumakip sa aking bibig mula sa likod.