CASSANDRA
Napatingin ako kay Trevon nang magbuntong hininga na naman siya. Nakasakay kami ngayon sa kotse niya at papunta sa mall para sa "first ever date" daw namin.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko kanina pa kasi siya bumubuntong hininga.
"Yeah. I'm fine." Sagot niya pero alam kong hindi siya okay.
"Kung may gagawin ka pa pwede naman nating icancel itong date natin. Next time na lang natin gawin."
"No, I'm perfectly fine. Iniisip ko lang yung nangyari kanina."
Napakunot noo naman ako. Ano bang nangyari kanina?
"May problema ba sa kumpanya kanina?" Kunot noong tanong ko.
"Nothing." Huminga na naman siya ng malalim. "Honey?"
"Hmm?" Sagot ko na para bang normal na sa amin ang tawagin niya akong honey.
"I'll be gone for a week." Natahimik ako sa sinabi niya. "Aren't you going to say something?"
"Ingat ka?"
"Hindi mo ba itatanong kung saan ako pupunta?" Nang magkaroon ng traffic ay agad niya akong hinarap. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Pwede na ba? Pwede na ba akong magtanong? I mean, nililigawan mo pa lang naman ako. Ayaw ko naman masyadong magmukhang clingy eh hindi pa naman tayo." Nahihiyang sabi ko.
Ito kasi yung gusto kong iwasan eh. Ayaw kong isipin niya na ang clingy ko naman eh hindi pa naman kami. Mamaya ma turn off pa siya sa akin.
"Of course you can ask me everything." Sagot niya. "At mas gusto kong maging clingy ka." Nakangiting dugtong niya.
"Saan ka ba pupunta? Kailangan talaga isang linggo kang wala?"
"Kailangan kong pumunta sa Macau." Sagot niya at nagsimula na ulit magmaneho. "Nagkaroon kasi ng problema yung isang branch ng hotel doon and i need to be there."
Tumango tango na lang ako. Pagdating sa mall ay nanood muna kami ng sine bago kumain sa isang Chinese Restaurant. Nagkwentuhan din. Just a typical date pero masaya naman ako dahil siya ang kasama ko. Gusto ko nga sana siyang lagyan ng malaking TAKEN sa noo dahil pinagtitinginan siya ng mga babae pero syempre ay hindi ko ginawa. Baka sabihin niya pa obsessed ako sa kanya kaya that's a no no.
Nang maihatid niya ako ay nagstay pa siya saglit sa unit ko dahil bukas ng gabi na daw ang alis niya at mamimiss niya ako kaya gusto niya pa akong makasama. Hindi na ako umangal doon dahil for sure mamimiss ko din siya.
--------------
Pangalawang araw na ni Trevon ngayon sa Macau. Kagabi ay magkausap kami sa phone. Kaninang umaga naman ay nag skype kami. Kakauwi ko lang galing office at naisipan kong buksan ang facebook ko. Nag scroll lang ako hanggang sa mapatigil ako sa aking nakita.
Bakit magkasama na naman sila?
May tinag na picture si Hailey kay Trevon. Nakangiti si Hailey pero si Trevon ay seryoso lang ang mukha.
Macau vacation with him..
Yun ang nakalagay na caption. Napailing na lang ako. Naniwala ako na tungkol sa trabaho ang pinunta niya doon pero bakasyon pala. Inoff ko agad ang cellphone ko dahil alam kong tatawag na naman siya mamaya. Ayaw ko muna siyang kausapin. Sinungaling siya.
Pero may karapatan ba akong magalit? May karapatan ba akong magselos? May karapatan ba akong sigawan siya? May karapatan ba akong magtanong?
I've never been in a relationship before. May mga gustong manligaw pero wala akong pinayagan. Alam ko kasing sakit sa ulo lang ang mga lalaki pero bakit pagdating sa kanya ako pa mismo ang nagsabi na ligawan niya ako?
Kaya ba ang dali lang para sa kanya na lokohin ako kasi masyado akong easy to get? Ganun ba yun?
Nang dumating ang pang apat na araw na wala siya ay inaya ko sila Trina at Kaye na mag bar. Nung una ay gulat na gulat sila. Tinanong pa nga nila ako kung may sakit ako. Tinawanan ko na lang sila nun. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din binubuksan ang cellphone ko.
"Anong iinumin niyo girls?" Tanong ni Trina pagdating namin dito sa Bank Bar sa BGC.
"Yung light lang ang akin ha. Susunduin kasi ako ni Sid mamaya." Sagot ni Kaye.
"Okay. Ikaw na may lovelife." Bitter na sabi ni Trina kaya natawa kami. "Ikaw Cassy?"
"Jack Daniel's." Sagot ko na parang wala lang.
Nanlalaki ang mga mata nilang dalawa sa sagot ko pero agad ding sinunod ni Trina at excited pa siya kung anong magiging itsura ko mamaya.
"Oh my god! Let's take a selfie girls!" Sigaw ni Trina. "Ito ang unang pagkakataon na si Cassy ang nag aya at hard pa ang drinks niya. Hindi ko ito palalagpasin."
Para matahimik si Trina ay pinagbigyan na namin siya. Hindi ko alam kung nakailang baso na ako. Basta natawa na lang ako ng dumating na ang boyfriend ni Kaye. Ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan ko kaya naman hinubad ko na ang blazer na suot ko at ang natira na lang ay ang red sleeveless blouse ko. Hinatak ko na si Trina papuntang dance floor. Iniwan na namin sa table ang lovebirds.
Nang maramdaman kong may lalaki sa aking likod ay agad ko siyang nilingon. Natawa ako ng mahina ng maalala na ganito din kami unang nagkita ni Trevon.
Gwapo naman ang lalaking nasa harapan ko pero mas gwapo pa din ang sinungaling kong manliligaw. Nang mag umpisang sumayaw ang lalaki sa aking harapan ay sinayawan ko din siya. I must enjoy this night. Siya nga ay nag eenjoy sa Macau eh.
Gumapang ang mga kamay ng lalaking kasayaw ko sa aking bewang. Hinayaan ko lang dahil hanggang doon lang naman. Hinanap ng mga mata ko si Trina pero hindi ko na siya makita. Patuloy pa din ako sa pagsayaw ng biglang may humawak sa kamay ko.
"What the hell Cassandra?!"