HOG 22

533 24 1
                                    

CASSANDRA

Alas nuwebe na ng gabi ng mapagdesisyunan kong umalis sa playground at umuwi na sa unit ko.

Natigilan ako ng makita kung sino ang naghihintay doon sa pintuan ng unit ko.

"Trevon."

Agad siyang naglakad palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I heard what happened. Anong sinabi ni Dad sayo?" nag aalalang tanong niya.

"Wala naman. Gusto lang daw niya akong makilala." humiwalay siya sa akin kaya naman inihanda ko ang aking ngiti para hindi na siya mag alala.

"Saan ka galing?"

"Umuwi ako sa Cavite kanina. After kasi naming mag usap ng Daddy mo tumawag si Anti Grace at sinabing umiiyak na naman daw yung kambal. Nag alala ako kaya hindi kita natawagan. Sorry." pagsisinungaling ko.

Ayaw kong sabihin kung ano talaga ang sinabi ng Daddy niya. Ayaw kong magkasira pa sila dahil lang sa akin.

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang aking paliwanag.

"Akala ko kung anong sinabi ni Dad sayo." ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. "You look tired." hinaplos niya ang aking pisngi at pinakatitigan ako. "Uuwi na ako para makapagpahinga ka."

Napalunok ako at hinawakan siya sa braso.

"C-can I sleep with you tonight?" nahihiyang tanong ko.

Nagulat siya pero ilang sandali lang ay ngumiti at tumango na din. Pinili kong doon magstay sa kaniyang unit. Hindi ako makakagalaw mamayang madaling araw sa unit ko kung nandoon siya.

Nang makapasok sa kaniyang unit ay agad siyang nagtungo sa kusina para daw magluto kaya naman nagtungo ako sa kaniyang kwarto para makapagshower. Tumingala ako habang patuloy ang pagpatak ng tubig sa aking mukha. Kanina habang nasa playground ako ay tinawagan ko si Kuya Harvy at sinabing pupunta ako sa kaniya. Hindi na din siya nagtanong dahil alam naman niya ang tungkol sa pamilya ni Trevon. Nag book na din ako ng flight papunta sa Japan sa tulong ng kaibigan ni Kuya na nagtatrabaho sa airlines. Malaki ang ibinayad ko dahil biglaan pero okay lang. Hindi ko na din kayang magstay ng matagal dito.

Alam kong mali ang gagawin kong pag iwan kay Trevon pero ayaw ko din namang mag away sila ng Dad niya dahil lang sa akin. Ayaw kong magkasira sila ng kaniyang pamilya and maybe I don't really deserve Trevon at hanggang dito lang talaga kami.

Masyado na siguro akong natagalan sa shower kaya naman kinatok na ako ni Trevon. Nang makalabas ako sa kaniyang kwarto ay suot ko na ang dinala kong pink night dress at pinatungan na lamang ng bathrobe.

"Let's eat." nakangiting sabi niya.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Nagtanong ako kung ano ang nangyari sa site kanina at nagtatanong din siya tungkol sa kambal. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas habang siya naman ang nagshower.

Pumasok ako sa kaniyang kwarto at naupo sa kama. Nakagat ko ang aking labi habang naririnig ang pagbukas at pagsarado ng shower. Napalunok ako ng bumukas na ang pintuan at gusto sana siyang lingunin pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Inaantok ka na ba? Pwede ka ng matulog. May gagawin lang ako saglit." dinig kong sabi niya kaya naman nilingon ko na siya at nag iwas ulit ng tingin ng makitang nakabathrobe lang siya.

"Hmm. Pwede bang tabihan mo muna ako hanggang sa makatulog ako?" nahihiyang tanong ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahilan para mamula ang aking pisngi.

Tumabi siya sa akin kaya naman nilingon ko siya.

"Let's sleep?" nakangiting tanong niya.

Tatango na sana ako pero hindi ko nagawa. Tinitigan ko lang siya at pinag aralan ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung kailan ko siya ulit makikita o kung makikita ko pa ba siya pagkatapos ng gabing ito. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at nginitian siya.

"I love you, Trevon."

"I love you too honey but please don't tease me. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko." hirap niyang sabi na ikinatawa ko.

Napapikit ako ng bigla niya akong halikan. Gusto kong maiyak habang hinahalikan niya ako pero pinigilan ko ang aking sarili. Nakagat ko ang kaniyang labi ng maramdamang tinatanggal niya ang pagkabuhol ng suot kong bathrobe.

"T-trevon." kinakabahang tawag ko sa kaniyang pangalan.

Hinalikan niya akong muli at naramdaman kong unti unti na niyang hinuhubad ang bathrobe ko. Pumikit ako ng mariin at hinayaan na lang siya.

Kahit ngayong gabi lang. Maramdaman kong akin siya at para kami sa isa't isa..

Kahit ngayong gabi lang.. Kahit isang gabi lang..

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon