HOG 19

522 21 1
                                    

CASSANDRA

Kinabukasan ay nagising ako ng magring ang aking cellphone. Sa sobrang antok ay hinayaan ko lang iyon dahil baka si Trevon iyon pero nang pangatlong beses na ay sinagot ko na.

Napakunot noo ako ng makitang si Duke ang tumatawag.

"Hello Duke?"

"Cass. I'm sorry."

"Ha? Para saan?" nagtatakang tanong ko. Hindi ba at pamilya namin ang may kasalanan sa kanila?

"Patay na ang Uncle mo."

Agad akong napabangon na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nanginginig ang aking buong katawan at sumisikip ang aking dibdib.

"A-anong sabi mo?" nanghihinang tanong ko.

"Patay na ang Uncle mo." pag uulit niya dahilan para mabitawan ko ang aking cellphone.

Napahawak ako sa aking dibdib at tuluyan ng naiyak. Naririnig ko ang pagsigaw ni Duke sa kabilang linya pero wala na akong lakas pa para kausapin siya.

No! Bakit? Anong nangyari? Paano nangyari yon? Agad kong pinuntahan sa kabilang kwarto ang mga pinsan ko at lalo akong naiyak ng marinig ko ang kanilang pag uusap mula dito sa pintuan.

"Magligpit ka na nga Peter! Baka bumalik na si Papa mamaya tapos makalat itong bahay natin." pag uutos ni Sunshine sa kaniyang kakambal.

Tuluyan na akong pumasok sa kanilang silid at niyakap sila.

"Ate? Bakit ka umiiyak?" walang muwang na tanong ni Peter.

"S-sorry. Wala akong n-nagawa."

Dalawang araw na ang lumipas simula noong mamatay si Uncle. Nandito kami ngayon sa kaniyang burol na dinaos namin sa kanilang bahay. Tinulungan ako nila Mama para maisaayos ang burol ni Uncle. Sila Sunshine at Peter naman ay iyak pa din ng iyak at halos ayaw ng kumain.

Ang sabi ni Duke ay napagtripan daw si Uncle ng mga kapwa niya preso at binugbog siya dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Dumating na din ang iba pa naming kamag anak na halos hindi makapaniwala sa maagang pagkamatay ni Uncle.

"Hon, kumain ka na muna." dinig kong sabi ni Trevon na nakaupo sa aking tabi.

Kaninang umaga ay dumating siya dito pero hindi ko pa siya nakakausap. Wala pang alam ang mga kamag anak ko na ang pamilya nila ang nagpakulong kay Uncle.

"Namatay na si Uncle. Sapat na ba iyong hustisya para sa inyo?" wala sa sarili kong tanong.

"Hon. Please, don't say that." nagmamakaawang sagot niya.

"Bakit naman kasi pinatay nila si Uncle? Bakit kasi wala akong nagawa para man lang tulungan siya?" nilingon ko si Trevon na halos hindi ko na makita dahil sa mga luhang nagpapalabo sa aking paningin. "B-bakit? Di ba d-dapat makakalaya pa siya? H-hinihintay siya nung kambal eh." tuluyan na akong napahagulgol at naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Trevon.

"Shh. Everything will be fine."

Nang magising ako ay wala na ako sa bahay nila Uncle. Nang tignan ko ang paligid ay napagtanto kong nasa hotel room ako. Napapikit ako dahil sa pagsakit ng aking ulo pero agad ding dumilat ng bumukas ang pintuan.

"You're awake." nginitian ako ni Trevon at agad hinalikan sa noo ng makalapit siya sa akin.

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?" tanong ko.

"Nakatulog ka kagabi habang yakap yakap kita. Sinabi ko sa Mama mo na isasama muna kita dito at pumayag naman siya para daw makapagpahinga ka ng maayos." napabuntong hininga ako.

"Balik na tayo sa bahay nila Uncle." hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalikan ito.

"Take a rest first hon. I know you're tired. Maaga pa naman eh. Babalik din tayo mamayang hapon."

Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo pa.

"Anong sabi ng parents mo? Nagalit ba sila?"

"No. I talked to Mom and Dad. Nakiusap ako na sana ay tatlo hanggang limang taon lang ikulong ang Uncle mo. Then this happened. I'm sorry. Kung hindi sana namin ikinulong ang Uncle mo sana buhay pa siya." umiling iling ako at tipid siyang nginitian.

"Tama lang naman ang ginawa niyo. Nagkasala sa inyo si Uncle at dapat niyang pagbayaran iyon pero.." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin at napayuko na lang.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nginitian ako.

"I'm here. I'll help you to take care of the twins." tumango ako at niyakap siya.

"Thanks for being here with me honey. It means a lot to me." bulong ko sa kaniya.

"I won't go anywhere." kahit paano ay napanatag ako sa aking narinig.

Pagkatapos naming maglunch sa hotel ay bumalik na din kami sa bahay. Agad kaming sinalubong ni Mama.

"Okay ka na ba anak? Nakapagpahinga ka ba?" nag aalalang tanong niya.

"Yes Ma. By the way." nilingon ko si Trevon na tahimik lamang na nakatayo sa aking likod. "I know it's not the perfect timing for this but I want to formally introduce Trevon. He's my boyfriend, Ma." nilingon ko si Trevon at nginitian. "Hon si Mama."

"Nice to meet you Ma'am." magalang na sabi ni Trevon at bahagya pang yumuko.

"Stop the formality hijo. I told you earlier to call me Tita." nakangiting sabi ni Mama.

Napangiti din ako dahil mukhang tanggap ni Mama ang relasyon namin sa kabila ng lahat ng nangyayari sa pagitan ng pamilya namin.

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon