HOG 12

969 54 5
                                    

CASSANDRA

"What the hell Cassandra?!" Agad kong nilingon ang nagmamay ari ng pamilyar na boses na iyon at hindi nga ako nagkamali.

Siya pa ang may ganang magalit!

"Oh, It's you!" Lasing na talaga ako dahil nakuha ko pang tumawa. "Kamusta ang bakasyon sa Macau? Napaaga yata ang balik mo ah. Nasaan na yung babae mo? Kasama mo ba?"

"What the hell are you talking about?" Kunot noong tanong niya.

Sus! Magsisinungaling na naman siya.

Sasagot pa sana ako ng bigla niya akong hinila palabas ng bar.

"Bitawan mo nga ako! Hindi ako sasama sayo!" Nagpupumiglas ako pero lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak sa akin. "Bitawan mo nga ako Trevon!" Sigaw ko na siyang naging dahilan para bitawan niya ako.

"Ano bang nangyari Cassandra?" Mahinahon niyang tanong na para bang pinipigilan ang sariling wag magalit. "Umalis lang ako tapos ito na ang madadatnan ko?"

"Wag ka ngang umakto na parang ikaw pa yung niloko!" Biglang nawala ang kalasingang nararamdaman ko kanina. "Ang sabi mo trabaho ang dahilan kaya ka umalis pero ano? After two days malalaman kong bakasyon niyo pala yun ng babae mo?! Siya ba ang tinatrabaho mo?"

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang gusto ng bumagsak mula sa aking mga mata. I'm not going to cry in front of him.

"Yung tungkol sa post ni Hailey?" Tanong niya na para bang ngayon lang siya nalinawan. "It's nothing. Siya lang yung nagbakasyon doon." Paliwanag niya. "Sinamahan ko lang siya ng isang beses. Yun lang. Honey, look at me please." Sabi niya ng hawakan ang magkabila kong pisngi para tignan siya. "Nagtrabaho talaga ako doon. Nang hindi kita makontak kahapon ay gustong gusto ko ng umuwi pero hindi pa pwede. Nang maayos na lahat ng problema nagbook agad ako ng flight pabalik dito. Pagdating ko pumunta ako agad sa unit mo pero wala ka. Then i saw the post of your friend at nalaman kong nandito ka kaya dumiretso agad ako dito."

"Pero bakit hindi mo sinabi? Alam mong pinagseselosan ko siya." Tanong ko.

"Let's just talk about it tomorrow. Ihahatid na kita. Lasing ka na."

Wala na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at isinakay sa kotse niya. I'm so tired to argue with him again.

Nang magising ako ay agad kong pinagsisihan ang paglalasing ko kagabi. Sobrang sakit ng ulo ko! Ugh.

"Mabuti gising ka na." Napatingin ako kay Trevon. Hindi na ako magtataka na dito niya ako dinala sa unit niya. "I cooked breakfast. Kain na tayo para makainom ka na din ng gamot."

Pinahiram muna ako ni Trevon ng damit at boxers para makaligo ako. Sobrang lagkit na ng pakiramdam ko at amoy na amoy alak ako.

"Sorry kagabi." Sabi ko habang kumakain kami.

"It's okay." Nakangiting sabi niya.

"Saan ka natulog kagabi?" Nahihiyang tanong ko.

"Sa tabi mo." Sagot niya kaya biglang nanlaki ang mga mata ko.

"What?" Gulat kong sigaw. "Tumabi ka sa akin? Oh my god! Amoy alak ako kagabi. Ang baho ko." Nahihiyang sabi ko.

Napatingin ako sa kanya ng tumawa siya.

"You smell good, don't be shy." Natatawang sabi niya.

"Tss. Malamang sasabihin mo yan kasi nililigawan mo pa lang ako pero kapag naging tayo na mababahuan ka na sa akin." Nakasimangot kong sabi.

"Try me then. Sagutin mo na ako tapos after 6 months maglasing ka ulit then we'll see kung magbabago ako." seryosong sagot niya kaya hindi ko maiwasan ang kiligin.

Napangiti tuloy ako ng malaki kaya naman napangiti na din siya. Tss. Napaka cheesy talaga nitong lalaking ito.

Napaisip tuloy ako sa suggestion niya. Wala naman sigurong masama kung sasagutin ko na siya di ba? Huminga ako ng malalim bago seryosong tumingin sa kanya.

"Okay, I'll try you then." napakunot noo siya na para bang iniisip kung anong sinasabi ko. "Sinasagot na kita. We're official." ngiting ngiti kong sagot.

----------------

"Sabi ko naman sayo kahit wag mo na akong sunduin. Malapit lang naman ang unit ko sa kumpanya." Sabi ko kay Trevon ng makasakay na kami sa kotse niya.

"Honey, I'm your boyfriend. Isa pa palalampasin ko ba ang pagkakataong masolo ka muna?" Napangiti ako at napailing na lang.

Tatlong araw na ang lumipas mula nung sinagot ko siya. Noong una ay hindi pa siya nakapagreact dahil baka tinetesting ko lang daw siya.

Sa kumpanya naman ay wala pang nakakaalam na kami na. Kahit sila Trina ay wala ding alam. Ayaw ko kasing isipin ng ibang katrabaho namin na inakit ko ang boss namin para makaangat sa buhay. Noong una ay pinagtalunan pa namin iyon ni Trevon. He wants us to be official sa mata ng kahit sino pero ang gusto ko'y ilihim muna namin.

"You look so different this past few days." Napatingin ako kay Trina dahil sa sinabi niya. "You're blooming." Tinaasan niya ako ng kilay na para bang naghihintay siya ng explanation.

Sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Cassy, pinapatawag ka ni Sir Trevon sa office niya."

"Sige. Thank you."

Lalong tumaas ang kilay ni Trina pero hindi ko na lang pinansin. Tinanguan at nginitian lang ako ni Warren pagdating ko sa floor nila. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko tuluyang buksan ang pintuan ng office ni Trevon. Nag angat siya agad ng tingin sa akin at ngumiti.

"Pinapatawag mo daw ako?"

He opened his arms wide like telling me to come closer and give him a hug so that's what I did.

"May problema ba?" Tanong ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"I'm just tired and I need to recharge." Sagot niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Ang corny mo!" Natatawang sabi ko at pinanggigilan muna siya bago ako humiwalay. "Marami pa akong gagawin. Balik na ako." Paalam ko pero bago pa ako makaalis ay nahawakan na niya agad ang kamay ko.

"Ipalipat ko kaya ang table mo dito sa loob ng office ko para lagi kitang nakikita?" Seryosong tanong niya kaya natawa na naman ako.

"Nasa baba lang ako." Natatawang sabi ko. "Sige na balik na ako."

"Fine. I love you hon." Napangiti ako sa sinabi niya.

"I love you too hon." Mas malaki ang ngiti niya ng sabihin ko ang mga salitang iyon.

Nang dumating ang lunch break ay agad akong nakatanggap ng text kay Trevon.

From: Honey 💛
Come here in my office. Sabay tayo mag lunch. I already asked Warren to buy our foods. I'll wait you here honey.

"Tara na Cassy. Gutom na ako." Napatingin ako kay Trina ng ayain niya ako.

"Hmm. Una ka na. May gagawin lang ako saglit."

Thanks God at mukhang gutom na gutom na si Trina kaya hindi na siya nagtanong pa.

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon