HOG 6

967 46 2
                                    

CASSANDRA

Kinabukasan ay maganda ang gising ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa hinatid ako ni Sir kagabi? O dahil sa pagsabi niya ng goodnight sa akin? Napailing ako. Kung umasta ako akala mo naman high school student. Tss.

Ngiting ngiti ako habang naglalakad papunta sa department namin. Nakangiting binati ko ang mga ka office mate namin.

Tinaasan ako agad ng kilay ni Trina ng makita ako.

"Aba aba! Mukhang maganda ang gising ha! Don't tell me nadiligan ka na kagabi?" Pang aakusa niya.

"Good morning too, Trina." Sarkastikong sagot ko sa kanya.

Wala talagang preno ang bibig ng babaeng ito. Nakakaloka. Hindi niya ako tinantanan hanggang dumating ang lunch. Tinatawanan ko na lang ang kabaliwan niya.

"Tumigil ka na nga Trina!" Sabi ko sa kanya at kumain na ulit.

Paulit ulit siya. Sino daw ba yung nakahome run sa akin? Sino daw yung nagdilig sa akin? Seriously?

Nakarinig ako ng bulung bulungan sa paligid kaya naman napaangat ang tingin ko. Maging ang mga kasama ko dito sa table ay mukhang nagulat din. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nila.

Hindi ko alam pero parang may tumusok sa aking puso. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Kitang kita ko kung paano tumawa at ngumiti si Sir Trevon sa harap ng babaeng nakahawak sa braso niya.

Did i heard my heart cracked? Napatawa ako ng mahina. Imposible. Mahigit dalawang linggo pa lang kaming magkakilala maybe i have a crush on him pero hanggang doon lang iyon.

Hanggang doon lang dapat iyon..

---------------

Kinabukasan ay napahinto ako sa pagpasok sa elevator ng makita kung sino ang makakasama ko sa loob. Sir Trevon. Pilit kong kinalma ang aking sarili at ngumiti sa kanya.

"Good morning Sir." Nakangiting bati ko.

Isang tango lang ang isinagot niya sa akin. Pumasok na ako at inilayo ang sarili sa kanya. Ito na yata ang pinakamatagal at pinakamabagal na elevator na nasakyan ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maluwag dahil alam kong kami lang dalawa ang nandito.

Bakit ganoon? Parang nung isang araw lang ay takam na takam siyang matikman ang labi ko pero bakit ngayon ako na ang nagkakaganito? Bakit bumaliktad yata ang mundo namin?

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang elevator. Agad akong lumabas ng hindi man lang lumilingon at nagpapaalam sa kanya.

Buong maghapon akong wala sa sarili. Nakakainis! Inaamin ko naman sa sarili ko na crush ko siya pero bakit parang ang OA naman yata nitong nararamdaman ko? Bakit feeling ko gusto kong mag move on?

Napatingala ako at bahagyang napapikit hiniling na sana ay mawala din agad ito. This is just a simple attraction. Gwapo kasi siya kaya normal lang na maging crush ko siya.

Napadilat ako ulit ng marinig ang boses ni Trina.

"Cassy pinapatawag ka ni Sir Trevon." Nakaramdam agad ako ng kung ano ng marinig ang pangalan niya.

"Bakit daw?"

"Ewan ko. Pinapasabi lang nung secretary niya ng may hinatid akong files doon." Bumalik na si Trina sa kanyang ginagawa.

Napakagat ako sa aking labi pero tumayo na din agad.

"Oh, buti nandito ka na." Bungad ni Warren sa akin pagdating ko. Siya ang secretary ni Sir.

"Bakit daw?" Kinakabahang tanong ko.

"Hindi ko din alam eh. Pasok ka na." Nakangiting sabi niya.

Ilang beses muna akong huminga ng malalim bago kumatok sa pintuan ng opisina niya.

"Come in." Feeling ko ay nanlambot ang tuhod ko sa baritonong boses niya.

Unti unti kong binuksan ang pintuan at sinilip muna siya. Busy siya sa computer na nasa harapan niya.

"Sir, pinatawag mo daw po ako?" Tanong ko ng tuluyan na akong makapasok.

"You're here." Sabi niya ng tignan ako. "Can you do me a favor?"

"Ano po iyon Sir?"

"Can you go to my unit?" Unit? Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang susunod niyang sasabihin. "I forgot my USB in my room. Since ikaw lang naman ang nakakaalam kung saan ako nakatira ikaw na ang uutusan ko. Can you?"

"Sige Sir." Sagot ko. Inabot niya sa akin ang susi ng unit niya.

"I'll call the receptionist para papasukin ka. Nasa table lang ng room ko yung USB. Thank you in advance Ms.Sanchez."

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon