HOG 29

260 15 7
                                    

CASSANDRA

Natigil ako sa ginagawa at saglit na nakipagtitigan sa kaniya hanggang sa pareho kaming matawa.

"Baliw!" natatawang sabi ko at pinaningkitan siya ng mga mata. "Kung ibang babae ang sinabihan mo nyan paniguradong wala ka ng kawala." ngumiti din siya at tumayo saka sinilip ang aking niluluto.

"I knew you wouldn't believe me." sabi niya at kumuha ng kutsara para tikman ang sauce ng pasta na niluluto ko. "You're such a good cook. Pwede bang mag apply ka as my personal chef?"

Natawa ako at napailing na lang. Noong maiayos at maihanda ko na ang pagkain niya ay nagpaalam na din akong uuwi na.

"Sabayan mo na akong kumain." pag aaya niya at kumuha na din ng extra pang plato.

"Okay fine." mabilis kong sagot na ikinatawa niya. "Maswerte ka dahil may secretary kang magaling din magluto." pagyayabang ko.

"Yeah yeah. Alam ko namang gutom ka na din. Isa pa, Harvy might not be home tonight. May date yun."

"Really? Bakit hindi ka din makipagdate?"

"I'm busy." maikling sagot niya.

"Well, that's okay. Maghanda ka ng mabuti para sa future niyo ng magiging pamilya mo."

"How about you? May boyfriend sa pinas?" tanong niya.

"I suddenly realized na ngayon lang natin na topic ang lovelife natin." napangiti ako at kumain muna bago siya sinagot. "Actually, kaya ako nagpaalam kanina na tanghali ako papasok ay dahil hinatid ko siya sa airport."

"Really? He went here?" gulat niyang tanong.

"Yup, pero kailangan din niyang bumalik kaagad."

"Hindi mo man lang ipinakilala sa akin."

"Next time na lang." sabi ko at nginitian siya.

--------------

Kinabukasan pagpasok sa office ay nagulat ako ng bigla akong hilain ni Alice papunta sa cr.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. "May nangyari ba?

"Anong bakit? Kalat na kalat na sa buong kumpanya yung pictures niyo ni Sir Marco!" napalunok ako habang nakatingin sa mga pictures na ipinakita sa akin ni Alice. Ito yung time na pumunta kami sa unit niya and I don't have any idea who took this pictures. "Nakapost yan sa chat room natin at sa website ng company."

"And so? I'm his secretary."

"Well, ikaw pa lang ang nakapunta at nakapasok sa unit niya. Alam mo naman yun si Sir. Napaka private na tao kaya wala siyang pinapapasok basta basta sa unit niya. Wait, are you two.." umiling ako agad bago pa matapos ni Alice ang gustong itanong.

"Of course not. Pero.. wala naman kaming ibang ginawa bukod sa kumain." sagot ko at nilingon siya na bigla namang nanlaki ang mga mata.

"A-ano?" nauutal niyang tanong.

"Ha? I mean, kumain lang kami ng pasta! Ano ba 'yang iniisip mo?!" ibinalik ko na ang cellphone niya. "Nakita na ba ni Sir Marco? Nakakahiya naman."

"For sure nakita na niya.. pero parang hindi naman siya nagalit. Wala pa siyang sinisigawan eh." nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig.

"Sige na. Aalis na ako."

Pagbukas ko ng pintuan ng office ni Marco ay sumilip muna ako kung nandoon na ba siya. Umayos ako ng tayo at tuluyan ng pumasok noong makita siyang abala sa kaniyang laptop. Noong maisara ang pintuan ay saka lamang siya nag angat ng tingin sa akin.

"Oh, you're here."

"Good morning Sir." nahihiyang bati ko. "About the pictures.."

"It's fine. Makakalimutan din nila yun."

"Pero.."

"Why? Don't worry hindi naman yun aabot sa pinas." sabi niya at tumawa pa.

Tumango ako at wala na ding nagawa pa. Naglakad na ako papunta sa desk ko at naupo. Muli akong napatingin sa kaniya ng may maalala.

"Sir." pagtawag pansin ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Magreresign na nga pala ako." agad siyang tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"What? Resign?"

"Yes. Kailangan ko na kasing bumalik sa pilipinas." alanganin kong sabi.

Tuluyan na niyang itinigil ang ginagawa at nasa akin na ang buong atensyon.

"When?"

"Two weeks from now?" patanong ko ding sagot.

Bumuntong hininga siya at bahagya akong nginitian.

"I didn't know you'll leave already. Okay. Tapusin mo na lang muna ang mga dapat mong tapusin para pagdating ng papalit sayo maiforward mo na lang kaagad."

"Sorry and thank you Sir." nakangiting sabi ko.

"Ako ang dapat mag thank you sayo. Pinagaan mo ang trabaho ko." sabi niya at nginitian ako. "It's just so sad na kailangan mo ng umalis."

"Nangako kasi akong babalik na pagkatapos naming mag ayos ni Trevon. He's waiting for me."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon