CASSANDRA
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa kapa ko ito sa side table ko habang nakahiga at nakapikit pa din. Ang aga aga sino naman kaya ang istorbong ito?
"Hello?" Walang gana kong sagot ng hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag.
"Good morning baby."
Noong una ay hindi muna ako nagsalita pero nang marealize ko kung sino ang tumawag ay nanlaki ang aking mga mata.
"Duke?" Gulat kong tanong. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Yup baby. The one and only." Tumawa ulit siya. "Mind opening your door for me?"
"Why are you here?" Tanong ko ng mabuksan ko na ang pintuan.
Nginitian niya lang ako. Hindi niya pinansin ang tanong ko at pumasok sa loob. Dumiretso siya sa kusina at inayos ang dala niyang mga pagkain.
"Duke, I'm asking you. Anong ginagawa mo dito?" Tinignan niya ako at bakas sa kanyang mukha ang pagod.
Bigla tuloy akong naguilty. Ngayon ko lang napansin na mukhang wala pa siyang pahinga pero hindi ko man lang siya winelcome ng maayos.
"You're hurting me baby. Dumiretso ako dito galing sa operasyon namin sa Davao and here you are parang hindi ka man lang masaya na makita ulit ako." Malungkot niyang sabi.
"I'm sorry. Nagulat lang kasi ako. Isa pa, hindi ka na pwedeng pumunta dito kapag gusto mo."
"What do you mean?" Kunot noo niyang tanong.
"I already have a boyfriend."
Natahimik siya saglit pero tumawa din makalipas ang ilang minuto na para bang isang malaking biro ang sinabi ko.
"Oh come on baby. Kung sinasabi mo yan dahil nandito na ako ngayon tigilan mo na." Natatawa at napapailing niyang sabi.
"I'm serious Duke." Natigil siya sa pagtawa at napatitig sa akin.
"Then why? Two weeks lang akong nawala Cassandra. Pinaramdam ko naman sayo na gusto kita." Seryoso niyang sabi kaya natahimik ako. "Dapat ba sinabi ko na hintayin mo ako? I'm planning on courting you officially once i get back but i guess I'm too late huh." Nakangising sabi niya. Inalis niya sa akin ang kanyang paningin at huminga ng malalim. "Who's the lucky guy?"
Hindi ko alam kung tama bang sabihin na ang kapatid niya ang boyfriend ko. Ayaw ko namang mag away sila ng dahil sa akin.
"Duke, I'm sorry pero hanggang kaibigan lang kasi talaga ang tingin ko sayo. Alam mo naman yun simula pa lang di ba?" Mahinahon kong sabi.
"I'm trying to accept it kaya wag mo ng ipamukha pa. But i wanted to know. Sino ang boyfriend mo?"
Sasagot na sana ako pero biglang may kumatok. Nanlaki ang aking mga mata. Alam kong si Trevon yun. Wala naman akong ginagawang masama pero feeling ko pinagtaksilan ko siya.
"Where are you going Duke?" Hinabol ko siya ng makitang bubuksan na niya ang pintuan.
"Gusto kong makilala ang boyfriend mo. I'm a police man. I can make background check about him. Baka mamaya may criminal records na ito."
Hindi ko na siya napigilan pa ng buksan na niya ang pintuan.
"Kuya? / Trevon?" Sabay na sabi ng magkapatid.
Oh great!
Napapakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi ko na alam kung ilang minuto na kaming nagpapakiramdaman tatlo. Nandito kami sa sala at tahimik lang. Walang nagsasalita at sobrang awkward ng atmosphere.
"What are you doing here Kuya?" Kunot noong tanong ni Trevon.
"I'm just visiting Cassandra. She's my friend. Ikaw pala ang boyfriend niya?"
"Yes. And visiting a friend this early? Hindi ka pa nga nagpapakita sa amin nila Mommy pero nauna na ang kaibigan mo?" Sarkastikong tanong ulit ni Trevon.
"I like her okay." Nagulat ako sa pag amin ni Duke. Talagang kailangan pang sabihin iyon? "Pero dahil may boyfriend na siya at ikaw pa mismo na kapatid ko irerespeto ko yun."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Napatingin ako kay Trevon na nakatingin din sa akin.
"To be honest. I really want to punch you Kuya." Seryosong sabi ni Trevon kay Duke. "Seeing you here in my girlfriend's place is not a good sight for me pero dahil Kuya kita, I'll let it pass but please don't do it again Kuya. Hindi magandang binibisita mo ng ganito kaaga ang girlfriend ko."
Hindi ko alam pero napangiti ako sa mga sinabi ni Trevon. Seeing him like this makes my heart melts. Para bang ipinagdadamot niya ako sa iba and I love it.