HOG 3

1.1K 56 3
                                    

CASSANDRA

Naging matiwasay naman ang buhay ko sa kamay ng bago naming boss. I mean, hindi na niya ako ulit kinompronta pagkatapos nung party. Ngayon ay isang linggo na siya dito sa kumpanya at okay naman siya sa lahat ng empleyado. Mabait din siya at kalmado tulad ni Mr. Rockwell. Hindi siya yung tipo ng boss na sisigawan ka kung mabagal ka. Walang pressure. Chill lang. Kaya mas nakakagana magtrabaho.

"Cassy, sama ka sa bar mamaya?" Tanong ni Kaye. Kaibigan din namin ni Trina kaso nasa ibang department siya.

"Hindi ko alam." Sagot ko at kumain na ulit. Lunch break kasi namin.

"Ang kj mo talaga girl!" Napairap ako sa sinabi ni Trina. "Magsaya ka naman paminsan minsan!"

"Masaya naman ako sa unit ko."

"Jusko! Ikaw na talaga!" Napapailing na sabi ni Trina.

"Sama ka na." Sabat ni Kaye. "Birthday ni Sir Benny eh." Tukoy niya sa head ng department nila. "Invited naman ang department niyo dahil nga girlfriend niya ang head niyo."

Napaisip ako. Sinabi na din ni Ma'am Rina ang tungkol sa birthday celebration ng boyfriend niya. Wala naman sigurong mawawala kung sasama ako. Isa pa, linggo naman bukas kaya pwedeng magpuyat dahil walang pasok.

"Fine."

"Yan! Ganyan ka! Kapag si Kaye ang nag aya sayo. Go lang ng go. Kapag ako ayaw?" Hinanakit ni Trina na tinawanan lang namin ni Kaye.

Mabilis lang lumipas ang oras. Nang matapos na ang office hours ay agad na din kaming nag ayos at sabay sabay ng nagpunta sa bar na nirentahan daw nila Sir Benny hanggang alas dose ng madaling araw mamaya.

Saktong alas sais ng gabi ay dumating kami sa bar na medyo may kalayuan sa kumpanya. Marami rami na din ang nandoon. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 35 ang nasa department namin at 30 naman kina Sir Benny.

Beso dito. Beso doon. Kaway dito. Kaway doon.

Agad ding nagsimula ang party sa pangunguna ni Ma'am Rina na kinantahan pa talaga si Sir Benny na kinikilig.

Sila na masaya!

Kanya kanya na din ng kuha ng beer at wine. Mga pagkain at kung anu ano pa. Pineapple juice lang ang ininom ko dahil ayaw ko na ulit maglasing. Baka kung sino na naman ang masayawan ko dito. Nakakahiya dahil mga ka officemate ko pa.

"Sir Trevon!" Dinig kong sigaw ni Sir Benny kaya kinabahan ako.

Bakit nga ba hindi ko naisip na posibleng invited din siya? Oh my god! Todo iwas pa naman ako sa kanya. Binati na din siya ng mga kasama ko at gulat na gulat talaga ako ng paupuin siya sa mismong tapat ko. Wala sa oras na napainom ako sa basong pinakamalapit sa akin para iwasan ang tingin niya pero agad ding napangiwi ng malasahan ang pait nito. Tinignan ko ang baso at nakitang hindi ito ang pineapple juice ko. Nilingon ko si Trina sa aking tabi.

"Isang baso lang." Napailing na lang ako.

"You shouldn't drink wine or beer." Napatingin kaming lahat kay Sir Trevon ng magsalita siya. Nakatitig na naman siya sa akin. "Ibang klase ka pa naman kapag nalalasing."

Nagkaroon ng bulung bulungan sa paligid ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit Sir? Nakita niyo na po ba siyang malasing?" Tanong nila.

"Hula ko lang." Nakangising sagot niya habang diretso pa din ang tingin sa akin. "Nakikita ko sa mukha niya na kakaiba siya kapag nalasing."

Pinanliitan ko siya ng mata pero lalo lang siyang ngumisi sa akin.

Tss.

Nagsimula na silang magsayaw sa dance floor. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero kami na lang dalawa ni Sir Trevon ang nandito.

"Bakit?" Tanong ko dahil nakatitig na naman siya sa akin.

"Nothing. I'm just wondering what would your lips taste like. Is it sweet?" Mapang asar niyang tanong.

"Why?" Kung kaya niya akong asarin, kaya ko din no! "Hindi ka na ba makapaghintay na tikman ang labi ko?" Nakangising tanong ko pero gusto ko ulit bawiin ng magseryoso siya.

"Don't tempt me Ms. Sanchez. Baka magulat ka mamaya lumalaban ka na ng halik sa akin." Seryosong sagot niya.

Hindi ko tuloy alam kung matatakot ako..

O maeexcite?

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon