CASSANDRA
"Kilala mo siya Cass?" tanong ulit ni Duke ng hindi ko siya sinagot kanina.
Unti unti akong tumango at tinignan silang dalawa.
"Pinsan siya ng Papa ko." nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nilang dalawa. "I.. Hindi ko alam kung anong ginawa niya." naiiling na sabi ko.
"Nasagasaan niya ang Lola namin." nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. "Tinakbuhan niya ang Lola imbes na tulungan."
"K-kailan nangyari yun?" nanghihinang tanong ko.
"Six months ago."
Six months ago? So, hindi pa kami magkakilala ni Trevon.
"I'm sorry. Hindi ko alam ito. Nasaan si Uncle Nic?"
Pinilit ako nila Trevon kanina na kumain muna pero sa mga narinig ko ay nawalan na din ako ng gana. Sinamahan nila ako sa presinto kung nasaan si Uncle Nic. Agad kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib ng makitang nakakulong ang tiyuhin kong nag aruga sa akin noong mga panahong namatay si Papa at nagtrabaho sa ibang bansa si Mama. Nakatulala siya habang nakasandal sa pader.
"Uncle." agad nag angat ng tingin si Uncle at nanlaki ang mga mata ng makita ako.
"Cassandra! Hija! T-tulungan mo ako. H-hindi ko sinadya ang nangyari. N-natakot lang ako." umiyak siya at hinawakan ang aking mga kamay.
Nakagat ko ang aking labi at hindi na din napigilan ang pagbuhos ng luha. Oh God! Bakit ba ito nangyayari sa amin?
"Uncle naman! B-bakit kasi hindi mo siya tinulungan? S-sana man lang dinala mo sa ospital." humahagulgol kong saad.
"S-sorry. Nataranta ako! Hindi ko alam ang g-gagawin." tumitig siya sa akin gamit ang nakikiusap na mga mata. "T-tulungan mo akong makalaya dito. N-naiwan ang mga pinsan mo sa Cavite. W-wala silang ibang kasama doon."
Nilingon ko si Trevon at Duke na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Sabay silang nag iwas ng tingin at nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao ni Duke at ang pagtatagis ng bagang ni Trevon.
"Titignan ko po kung ano ang magagawa ko." huling sabi ko kay Uncle bago umalis doon at lumapit kina Trevon. "Kakasuhan niyo ba siya?"
"I'm sorry but we have to do this Cass. We lost our grandmother because of him." sagot ni Duke na halatang nagpipigil lang ng galit.
"H-hindi ba pwedeng makulong na lang siya ng ilang buwan o taon?" naiiyak kong tanong. "Mga bata pa yung anak ni Uncle. Baka naman pwedeng pag usapan ito?" umaasang tanong ko sa kanila. "Mabait naman si Uncle. Siguro kinabahan at natakot lang talaga siya kaya pinili niyang umalis."
"But he should've surrendered himself. Hindi yung nagtago pa siya ng ilang buwan." si Duke na mukhang hindi na naitago ang galit.
"I'm sorry hon." napayuko ako ng marinig ang sinabi ni Trevon. "Gustong ituloy ni Dad ang kaso laban sa kaniya."
Nakagat ko ang aking labi at napatango tango.
Hanggang sa maihatid ako ni Trevon pauwi ay nanatili akong tahimik. Nag iisip kung paano matutulungan si Uncle at ang aking mga pinsan.
"Honey." dinig kong tawag sa akin ni Trevon pero hindi ko siya magawang lingunin. "I hope this won't affect us."
Mapait akong napangiti at nilingon siya.
"Sa tingin mo ba tatanggapin pa din ako ng pamilya mo kapag nalaman nilang kamag anak ako ng pumatay sa Lola mo?" agad kong pinunasan ang tumulong luha sa aking pisngi. "Kahit naman ituloy natin ito ay may gagawa pa din ng paraan para maghiwalay tayo."
"Wait. I don't like what you're saying hon." hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at pinakatitigan ako ng maigi. "Labas tayo sa gulong ito. Walang kinalaman ang relasyong mayroon tayo sa mga nangyayari at hindi ako papayag na pakialaman nila tayo."
"Hindi ako papasok bukas." sabi ko at hindi pinansin ang kaniyang mga sinabi. "O baka sa susunod na mga araw. Kailangan kong puntahan ang mga pinsan ko. Wala na din ang Nanay nila. They need me."
"Sasamahan kita." agad akong umiling sa kaniyang sinabi.
"Sasama ka?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ano sa tingin mo ang iisipin nila kapag nalaman nilang pamilya ninyo ang nagpakulong sa Papa nila?" napabuntong hininga ako bago inilayo ang aking kamay sa kaniya. "Let's just take a break for a while, Trevon. Hanggang sa matapos siguro ang gulo na ito."
Hindi ko na hinintay pa ang iba niyang sasabihin at agad na lumabas ng kaniyang sasakyan. Habang naglalakad palayo sa kaniya ay ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib. Masakit para sa akin itong nangyayari pero hindi ko naman kayang pabayaan na lang si Uncle.
![](https://img.wattpad.com/cover/145677961-288-k663037.jpg)