CASSANDRA
Kinabukasan ay ayaw akong paalisin ni Trevon para magpaalam kay Marco. Ilang beses ko ng sinabi na kailangan kong magpaalam ng personal pero nagpipilit siya na sumama.
"Hon, kakausapin ko lang naman si Marco. Babalik ako agad."
"Paano kapag hindi siya pumayag na umalis ka?" kunot noong tanong niya.
"Hindi naman ganoon si Marco. Isa pa, kaibigan siya ni Kuya."
"But he likes you! Nakita ko kahapon kung paano ka niya tignan." naiinis niyang sabi.
"And I love you. Kahit gusto niya ako ay ikaw pa din ang mahal ko."
Nag iwas siya ng tingin at umiling. Naupo ako sa kaniyang kandungan at hinawakan ang magkabila niyang pisngi para tumingin sa akin. Nginitian ko siya.
"I'll be back. Kakausapin ko lang siya." hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. "Just wait me here, okay?"
"Fine." napipilitan niyang sabi.
Nang makarating sa opisina ni Marco ay naabutan ko siyang nakatutok sa kaniyang laptop.
"Good morning." nakangiting bati ko.
Nag angat siya ng tingin at tinanguan ako. Nagtaka ako ng bigla siyang bumuntong hininga kaya nilapitan ko siya.
"What happened?"
"May nagnakaw ng pera sa kumpanya."
"What?" gulat kong tanong. "Paano? Bakit?"
Hinawakan niya ang kaniyang batok at problemadong tumingala.
"Si Mr. Wesda, nagnakaw siya tapos nagtago. Hindi ko na mahagilap."
"Si Mr. Wesda? Yung head ng finance department?" tumango siya at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.
"Mapapatay ko siya kapag nakita ko siya."
Kinuha ko ang laptop at iniharap sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang sampung milyon ang nawala sa kumpanya.
"Paano nangyari ito?" tinignan ko si Marco at agad akong nakaramdam ng awa ng makita ang pagod niyang mukha.
"That old hag!" gigil niyang sambit. "Kaya pala palagi niyang dinidelay ang report para hindi ko mapansin na may ginagawa na pala siyang kababalaghan."
"Hey! Calm down." hinaplos ko ang kaniyang balikat. "Nireport mo na ba sa mga pulis?"
"Yeah. Hinahanap na nila ang matandang yun."
Nakagat ko ang aking labi. Paano ako makakapag paalam sa kaniya kung ganito ang nangyayari sa kumpanya? I don't want to cause him more trouble kapag nawalan siya ng sekretarya.
Nagpunta ako sa CR at doon tinawagan si Trevon. Isang ring pa lang ay sinagot na niya agad na para bang hinhintay na talaga ang aking tawag.
"Hi hon. Susunduin na ba kita?"
"Hmm hon. Sorry pero hindi pa ako pwedeng magresign ngayon." natahimik siya na ikinapikit ko ng mariin. "Nagkaproblema kasi dito sa kumpanya. Nagnakaw yung head ng finance department kaya hindi muna ako pwedeng umalis." pagpapaliwanag ko.
"Kailan ka pwedeng umalis dyan?" seryosong tanong niya.
"I don't know. Siguro kapag nahuli na si Mr. Wesda?" hindi sigurado kong sagot. "Isa pa, I need to train new secretary. Hindi ko siya pwedeng iwan ng mag isa."
Rinig ko ang malalim na buntong hininga niya.
"I need to go back to the Philippines tomorrow, hon."
"You can go home first. After a month siguro ay makakasunod na ako sayo doon."
"Mas pinipili mo bang samahan ang lalaking yan kaysa sa akin?" kahit hindi ko siya nakikita ay nasisiguro kong magkasalubong na ang kaniyang mga kilay.
"No! Of course, gusto kong sumama sayo. Kaso, hindi din ako pwedeng basta basta na lang umalis." pagpapaintindi ko sa kaniya.
"Let's just talk when you get home."
"Trevon! Hon!" napabuntong hininga ako ng ibaba na niya ang tawag.
Bumalik na lang ako sa opisina ni Marco at ginawa na ang mga iniutos niya kanina. Nagpunta ako sa finance department para kausapin ang pinsan niya na ipinalit niya kay Mr. Wesda.
"Naayos mo na ba yung report para sa sales last month?"
"Matatapos ko na." umiling siya at mukhang namomroblema na din. "Kakalbuhin ko talaga ang matandang iyon kapag nahuli siya."
Pinatawag ni Marco ang pinsan niyang si Luis para pumalit kay Mr. Wesda at maging head ng finance department.
"Babalikan ko na lang mamaya."
"Ako na lang ang aakyat doon mamaya." nginitian ko siya at tumango.
Bumalik na ako ulit sa opisina ni Marco. Kanina pa siya abala at ayaw ding kumain ng tanghalian.
"Sir, ala una na. Ayaw mo ba talagang kumain?"
"Wala akong gana." nag angat siya ng tingin. "Ikaw? Kumain ka na ba?"
"Kumain na ako kanina." tumango siya at ibinalik din ang tingin sa laptop niya.
Napabuntong hininga ako at naupo na lang sa pwesto ko at inayos ang mga papeles na kakailanganin niya para sa meeting mamaya.