HOG 4

1K 53 1
                                    

CASSANDRA

Alas diyes na ng gabi at maligalig pa rin ang mga kasama ko. Lalo na si Trina na hindi yata alam ang salitang lasing. Kanina pa siya inom ng inom ng alak pero walang epekto. Grabe talaga ang babaeng ito.

"Huy!" Kalabit ko sa kanya dahil balak na naman niyang ubusin ang isang bote ng tanduay ice. "Chill ka lang." Paalala ko sa kanya.

"Kj!" Natatawang sabi niya kaya napailing na lang ako.

Bahala siya dyan kapag hindi na niya kayang umuwi. Hindi ko talaga siya ihahatid.

"Cassy." Napatingin ako sa umupo sa tabi ko at nakita ko si Liam. Kasama din namin siya sa department. "Okay ka lang? Hindi ka masyadong nag eenjoy. Kanina ka pa tahimik."

"Okay lang. Binabantayan ko kasi si Trina. Alam mo naman ang babaeng ito." Tumawa ako para maniwala siya.

Alangan aminin ko na naiilang ako sa boss namin na kanina pa pasulyap sulyap sa akin di ba?

"Ganun ba? Hmm. Sayaw muna tayo." Nahihiyang alok niya sa akin.

Nilingon ko si Trina at mukhang okay pa naman siya kaya papayag na sana ako ng marinig ang boses ni Sir Trevon.

"Liam." Maawtoridad na tawag niya.

"Sir."

"Can you get me a glass of water please."

"Sige Sir." Tumayo na si Liam pero bago umalis ay nilingon niya muna ako. "Saglit lang Cassy ha."

Wala na akong nagawa kaya tumango na lang ako. Nabalik ang tingin ko kay Sir Trevon ng magsalita siya ulit.

"Do you like that guy?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

"Sorry Sir pero medyo private na ang bagay na yan." Pang aasar ko sa kanya dahil alam ko naman kung bakit niya biglang pinaalis si Liam. "Hindi naman na siguro kasama sa trabaho ko ang bagay na yan." Kinain ko ang chocolate cake na nasa aking harapan.

Hindi na siya sumagot pa at talagang ipinagpasalamat ko iyon. Gusto ko pa din siyang galangin dahil boss ko pa din naman siya.

Nang mag uwian na ay nagkanya kanya na kami. Sumabay na si Trina kay Kaye dahil magkalapit lang sila ng bahay.

"Ingat girl!" Paalam nila Trina at Kaye.

"Bye! Sa monday na lang ulit." Sumakay na sila sa kotse ng boyfriend ni Kaye. O di ba? Talagang sinundo pa dito ang bruha.

Kaming dalawa na lang ni Liam ang nandito at naghihintay ng taxi. Hindi naman kami pwedeng magsabay dahil magkaiba ang daan namin pauwi.

Nagulat ako ng biglang may bumusina sa harapan namin.

"Get in." Sigaw ni Sir Trevon at nakasilip sa bintana ng sasakyan niya.

"Naku Sir!" Agad na tutol ni Liam. "Hindi na po malayo pa ang uuwian ko."

"I insist. Baka wala ng taxi. Gabi na. Sumakay na kayo."

Sa huli ay wala na kaming nagawa ni Liam. Sumakay kami sa kotse ni Sir Trevon. Nasa back seat ako at nasa harapan naman si Liam.

"Ms.Sanchez." Nagulat ako ng tawagin ako ni Sir.

"S-sir."

"Is it okay kung unahin kong ihatid si Liam?"

"Sige lang Sir." Gusto kong batukan ang aking sarili ng pumayag ako.

Hindi man lang ako nagdalawang isip. So? Kami na lang dalawa dito mamaya?

"Thank you po Sir. Bye Cassy. Ingat po sa pagdrive Sir." Paalam ni Liam ng makarating kami sa bahay nila.

Tahimik lang kaming dalawa dito ng basagin niya ang katahimikan.

"Baka gusto mong lumipat dito sa harapan? I'm not your driver."

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas at lumipat sa harap. Saka lang niya pinaandar ang sasakyan.

"Doon mo na lang ako ibaba sa office Sir. Malapit na doon ang unit ko."

"Okay."

Nanahimik na lang ako. Ipinikit ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang antok.

Nang magising ako ay napatayo ako bigla ng makitang hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko ngayon. Oh shit! Ano bang nangyari kagabi?

Okay. Kalma Cassandra.

Pagkatapos naming uminom sa bar ay umuwi din kami agad.

Wait. Hinatid ako ni Sir Trevon di ba?

Nasagot ang aking mga katanungan ng pumasok siya dito sa loob ng kwarto. Wala sa sariling napakapa ako sa gilid ng aking labi dahil baka may panis na laway ako. Nang masiguro kong wala at wala din akong muta ay saka lang ako nakatingin sa kanya ng diretso.

"N-nasaan ako?"

"In my unit. Ginigising kita kagabi pero ayaw mong magising. You must be really tired kaya dinala na lang kita dito."

"K-kagabi?" Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at nanlaki ang aking mga mata ng makitang alas onse na. Oh shit!

Dali dali akong bumangon para umuwi na.

"Shit! Late na ako." Wala sa sariling bulong ko habang sinusuot ang sandals ko.

"Late saan?"

"Sa office Sir." Natigilan ako ng marinig siyang tumawa.

"Silly. It's Sunday." Natatawa pa ding sabi niya.

Double shit! Nakakahiya ka talaga Cassandra!

His Office GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon