Chapter 2: Matté High

176 7 0
                                    

                          Zhiane

Panay ang pagtawag ni Dad sa aking pangalan ngunit tila hindi ko ito naririnig dahil tutok na tutok ako sa pagmamasid sa aking replika sa salamin.

Grown man.

Yan ang mukhang nakikita ko mula sa salamin.

From White polo shirt, pants, black shoes, and flat front view, my image totally change in an instant.

Di'ko aakalain na sa isang iglap ay mawawala ang spoiled and sassy girl na si Zhiane at napalitan nang isang maginoong si Kyrie.

Last na nilagay ko ay yung enigma na nakita ko sa aking blouse.

Inilagay ko ito sa mini pocket ng polo at kung titignan ay perpekto na akong maging isang student ng Matté High.

"Zhiane, it's almost time"

Pambungad na saad ni Dad nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko.

Ayaw pa yatang magfunction ng katawan ko dahil humaba pa ang oras sa pamamalagi ko sa harapan ng salamin.

At nang buo na yung desisyon ko, lumabas ako ng aking kwarto at walang pasabing nilagpasan si Dad.

Wag siyang magkakamaling isipin na pumayag ako. Tss. Labag parin ito sa aking kalooban.

Pagkarating ko sa sala ay kinuha ko yung backpack at lumabas para pumunta na sa kotseng inihanda ni Dad.

Maya maya ay pumasok na din siya at inistart yung engine ng kotse.

Sumandal ako sa bintana ng kotse at walang ganang nakinig ng music sa aking cellphone.

Tiningnan ko yung mga messages na galing sa mga classmates ko sa Epiphany Academy.

Binasa ko ito nang paisa isa at iisang mensahe lang yung tumatak sa akin.

Say it now, and say it true. Because if you lie, my love will fade away out of the blue.

Napangisi ako ng malungkot.

Life is cruel.

Humikab ako at unti unting sumarado ang talukap nang aking mga mata hanggang sa nakatulog na pala ako sa byahe.

"Zhiane! Zhiane! Zhiane!"

Agad na nagising ang diwa ko sa malakas na tapik sa aking balikat.

Nakita ko ang mukha ni Dad na nakangiti.

"We're here"

Automatic na umayos ako nang upo. Umalis naman si Dad sa harapan ko upang kunin yung mga bagahe ko na nasa compartment ng kotse.

Halos mapanganga naman ako nang makita ang engrandeng paaralan na pinatayo ni Dad.

Ito ang Matté High?!

It's more like a mansion!

Lumabas ako nang kotse at mas pinagmasdan pa ito nang malapitan.

Woah! Daebak! Ganito na ba kami kayaman para magpatayo si Dad ng ganito kalaking school? Oh gosh!

"Zhia, here's you're VIP pass. Hindi na kita masasamahan sa loob dahil tiyak na magtataka yung mga admins kung bakit ako nandito"

Paliwanag ni Dad sabay bigay sa akin nang blue card na may VIP na nakasulat sa gitna.

Matté HighWhere stories live. Discover now