Chapter 7: Impact

103 5 0
                                    

                           Caiter

"Kyrie?"

Gulat kong tanong nang makita siyang nakatayo sa harapan ng kwarto ko.

"At ikaw, anong ginagawa mo dito? Bakit gising ka pa?"

Nakataas na kilay kong tanong sa lalaking katabi ni Kyrie.

"Yo!"

Nakangisi niyang saad na may halong pang aasar sa tono niya.

"Oh my gosh!"

Gulat na sigaw ni Kyrie ng hinawi nito yung balakang niya at mas inilapit pa sa kaniya.

Dahil sa ginawa niyang iyon ay uminit yung ulo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Lumabas ako ng aking kwarto at pabalang na sinarado yung pinto.

"Dude, kung mang aasar ka, 'wag dito dahil baka mawasak ko 'yang pagmumukha mo ng wala sa oras"

Saad ko at kinuwelyuhan siya.

Ngumisi siya at kalmadong hinawi yung kamay ko.

"Maikli parin ang pasensya mo, Hoodie Guy"

Pang aasar pa niya.

Nginisihan ko din siya pabalik at mas inilapit sa mukha niya yung mukha ko tsaka tinitigan yung mga mata niya.

"Puno ka pa din ng kuryusidad, Nashi"

Kasabay noon ay ang pagbukas ng ilaw sa sala.

"Anong nangyayari dito? Anong ingay yun?"

Inaantok na saad ni Shot.

Nakita ko ang pagngiwi ni Kyrie habang nakatingin kay Shot.

"Wala, daga lang yun"

Sabi ni Nashi at dumiretso sa kwarto niya.

"Oh gosh! Akala ko aatakihin na ako sa puso"

Sabi ni Kyrie at nanghihinang umupo sa sofa ng sala.

Come to think of it, bakit pa gising ang isang ito?

"Ikaw? Bakit gising ka pa? It's almost 10:00 o'clock."

Sabi ko sa kaniya habang natingin sa wall clock ng dorm.

Napatingin siya sa akin at nauutal na sumagot.

"A-ah, gusto lang s-sana ki-kitang kausapin"

Sagot niya habang hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"At bakit?"

Tanong ko ulit sa kaniya.

"Kasi.."

Hindi niya naipagpatuloy yung sasabihin niya.

"Kasi ano?!"

Nakasigaw na ako nyan habang tintanong siya.

"Kasi takot ako! Oo, takot ako! Inaamin ko na takot ang isang lalaking katulad ko! Masaya ka na?!"

Pasigaw niyang sagot at dali daling pumasok sa kwarto niya.

"Lagot ka"

Saad ni Shot sa aking likuran at pumasok na ulit sa kwarto niya.

Hindi ko naman sinasadyang masigawan siya, pero bakit nagiguilty ako?

Aiissh! Ewan!

Ginulo gulo ko yung buhok ko at bumalik sa harap ng kwarto ko.

Bago pumasok at tumingin muna ako sa kwarto ni Nashi.

Ano nga ba ang dahilan at kasama niya kanina si Kyrie?

Matté HighWhere stories live. Discover now