Chapter 28: First Date

57 1 0
                                    

                          Zhiane

"Kyla! What to wear?! Omo! Ang hirap pumili!"

Naguguluhang tanong ko kay Kyla habang nakabalandra sa kama ko yung mga pinili niyang casual clothes sa loob ng aparador ko.

Nanliliit naman yung mga mata niyang tumingin sa akin.

"Eh kung mag bra at panty ka na lang kaya?! Ilang beses mo na ba iyang tinanong sa akin? Sobra ka pa kay Sara eh"

Inis na turan niya at nilapitan ako.

She also examined the varieties of casual clothes that is placed in my bed.

Walang special na okasyon.

Pero may special na event ngayon sa puso ko. Hihihihi.

Bigla akong binatukan ni Kyla.

"Wag kang tumawa mag isa, tumatayo balahibo ko sa iyo"

Seryosong sabi ni Kyla habang tinititigan yung mga damit ko.

Napatawa ako dahil sa sinabi niya.

"Pinagmumukha mo naman akong baliw"

I pouted.

Bored niya akong tinitigan sabay pitik sa noo ko.

"Baliw ka na nga!"

Pang aasar pa niya sa akin.

I smirk at her.

"Baliw na nga. Baliw na baliw kay Caiter!"

Kinikilig na sabi ko habang nakahawak sa pisngi kong namumula.

She just hissed.

"Ewan ko sa iyo! Ikaw na bahalang pumili nang susuotin mo para sa date niyo! Walang'ya"

Bitter na saad niya at padabog na lumabas sa kwarto ko.

Umiling iling lang ako dahil sa ginawa niya.

Lord, bigyan niyo naman ng love life si Kyla. -_______-

Muli kong itinuon sa mga damit na nasa kama yung atensyon ko.

Ano naman kayang magandang suotin dito?

Tinitigan ko yung orasan na nasa mini table.

09:30 A.M.

30 minutes to go pa bago siya pumunta dito.

Actually, hindi ko expected na yayayain niya akong magdate kami pero since 'mag on' na daw kami ay kailangan iyon para maging memorable yung days namin as a couple.

Ang sweet no? Si Caiter lang ang ganyan! Haha.

Umupo na lang muna ako sa kama ko at bumuntong hininga.

Wow, this is the daebak part in my life. Hindi ko akalain na ang taong pinapangarap ko ay magiging akin talaga.

Akala ko kasi sa imaginary world lang nag eexist yung mga bagay na ganito. Ngunit pwede din pa lang mangyari ito sa real life.

Maya maya ay nagvibrate yung phone ko.

Agaran ko itong binuksan at nakitang si Caiter yung nagmessage.

Nakangiti ko itong binuksan at kinilig talaga ako ng husto nang mabasa yung message niya.

From: Caiter-ing malabs <3

On the way na ako. Wear something gorgeous. Mamahalin pa kita.

Matté HighWhere stories live. Discover now