Chapter 1: That Day

273 7 0
                                    


                           Zhiane

Pinagmamasdan ko ang kalangitan na unti unting natatabunan nang maiitim na ulap.

Ang kaninang nakangiting araw ay napalitan nang kadiliman na nagsasaad na ilang segundo lang ay magbabadya nang bumuhos ang ulan.

Komportable akong nakaupo sa may seawall habang nilalasap ang banayad na simoy ng hangin.

Bigla akong napabuntong hininga nang maalala ko na naman yung pagsasagutan namin kanina ni Dad.

Kasabay nang kalungkutan ko ay ang pagbuhos nang patak ng tubig na nanggaling sa langit.

Ang mga kumpol nang tao na naglalakad sa daan ay di magkamayaw sa pagtakbo upang makahanap nang masisilungan.

Dali dali naman akong tumayo at lumapit sa bisekletang dala ko.

Inayos ko yung stand at sumakay dito.

Sinimulan ko ang pagpedal at tinahak ang daan na papauwi sa bahay namin.

Nasa kalapit lang naman na street yung bahay namin mula sa seawall kaya hindi ako aabutin nang gabi papunta doon.

Ngunit mas lumakas ang ulan at sinundan pa nang bugso ng hangin na nagpatigil sa akin.

Bumaba ako mula sa bisekleta at naghanap nang masisilungan hanggang sa nakakita ako nang isang eskinita na natatabunan ng shade ng puno.

Walang pag aalinlangan na tumungo ako doon.

"Sh*t"

Mura ko nang mapansing basa na yung suot kong blouse at hurma yung brassiere na suot suot ko.

Kailan ba titila ang ulan na ito?

Niyakap ko yung sarili ko nang makaramdam ako nang panlalamig. Ngayon ko lang din napansin na madilim pa sa eskinitang ito at walang nadaan na mga tao.

Kinabahan tuloy ako.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakatayo parin ako habang hinihintay na tumila ang ulan.

Hanggang sa makarinig ako ng isang sipol sa hindi kalayuan.

Nanindig ang mga balahibo ko dahil doon at hindi mapakaling sumulyap sulyap sa aking likuran.

"Hi Miss"

"Ahhhhh!"

Sigaw ko dahil sa gulat ng biglang may bumulagang matanda sa aking harapan.

Bumagsak ako sa semento at naramdaman ang pagkirot ng aking siko.

Pinagmasdan niya ako from head to toe at umarko ang isang ngisi sa kaniyang labi.

Uh oh. This is bad. Totally bad.

"Ang sexy mo naman Miss. Gusto mo bang magpainit? Ang lamig eh"

Pilyong sabi niya habang hindi parin nawawala ang ngisi sa kaniyang labi.

"W-wag kang lalapit"

Utal kong sabi sa kaniya habang pilit na inilalayo yung sarili ko.

"Sige na Miss, pagbigyan mo na ako"

Malademonyong saad niya habang lumalapit parin sa akin.

"Sinabi ngang wag kang lalapit eh!"

Sigaw ko at sinipa yung dapat sipain at lakas loob akong tumakbo papalayo.

Pero ang pagkakataong makatakas mula sa kaniya ay nawala nang mahakawan niya ako at inipit sa may pader at unti unting hinalikan yung leeg ko.

Kasabay ng pagbuhos nang malakas na ulan ay ang pag agos ng aking luha.

Matté HighWhere stories live. Discover now