Nashi
Ang mahimbing kong tulog ay biglang nasira nang makarinig ako ng ingay, sigaw at lagabog sa may sala ng dorm.
Tatamad tamad akong bumangon at lumabas ng kwarto ko.
"Ano ba! Hindi ba kayo tatahimik?! Natutulog yung tao eh!"
Sigaw ko at papasok na sana ulit sa kwarto nang bigla along sinigawan ni Caiter.
"Nasaan si Kyrie?!"
Inis na tumingin ako sa kaniya.
"Ano paki k- -"
Nanlaki yung mga mata ko dahilan sa sinabi niya.
"Si Kyrie? Bakit? Anong nangyari?"
Tanong ko sa kanila.
Napaiwas ng tingin sa akin si Shot at ginulo gulo naman ni Caiter yung buhok niya dahilan sa frustration.
"The f*ck man! Nawawala siya!"
Sigaw niya ulit na nagpakaba sa akin.
Tumatakbo akong pumunta sa kwarto ni Kyrie at binuksan yung seradura ng pintuan pero nakalock ito.
"Sh!t"
Inis sa saad ko sabay sipa ng pintuan ng kwarto niya.
"What's inside of that room is definitely a big secret. Kung sinadya niyang tumakas o umalis, hindi niya iyan ipapadlock."
Biglang sabi ni Shot.
"Ano bang mahalaga?! Ang pagdudahan siya o ang paghahanap sa kaniya?!"
Galit na sabi ni Caiter.
Inis ko naman siyang nilapitan tsaka kinuwelyuhan.
"Bakit ka ba ganyan makaasta?! Hindi lang ikaw yung nag aalala sa kaniya"
Wika ko naman.
Inawat kami ni Shot at siya naman yung nagsalita.
"At ano nga ba para sa atin si Kyrie na ganito na lang tayo mag alala sa kaniya? Hah? Ano bang meron?!"
Dagdag pa ni Shot.
Natahimik naman kami.
Tama.
Ano nga ba ang meron kay Kyrie na ganito na lang kami magrebelde para sa kaniya?
"I'm tired, let me sleep. Hahanapin ko siya, kahit sa katapusan pa ng mundo"
Sabi ko at walang ganang bumalik sa aking kwarto.
Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kawalan.
Kyrie, why the hell did you escape?
Caiter
Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang pagtaas ng haring araw sa kalangitan.
Nawala na nga yung enigma ko, nawala pa yung tukmol na Kyrie na iyon!
Bakit ko nga ba pinagsasabi sa kaniya yung mga katagang gusto kong sabihin kay Zhiane? Dahil pinsan niya ito?
Tss.. Oo, aaminin ko na gusto ko si Zhiane. Last 2 years ay bumisita sila dito together with her school, Epiphany Academy.
Nagdonate sila ng ilang mga materyales para sa school namin.
Love at first sight, I guess?
Kamakailan ko lang din nalaman na anak siya ng may ari ng school na ito at pinsan niya si Kyrie.
YOU ARE READING
Matté High
Teen FictionIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...