Chapter 19: Knowing the truth

100 3 0
                                    

                         Nashi

Pagkakuha ko ng wig niya ay gulat ang maipipinta sa aking mukha.

"ZHIANE?!"

Sabay na sigaw namin ni Caiter dahil sa gulat.

I thought she was Meirin.

Dahil sa pagkakaalam ko, namatay si Meirin pero nawala yung katawan niya kaya hindi na ito naiburol pa.

Malungkot siyang napangiti at tumingin sa akin.

"Masaya ka na?! Masaya ka na ba dahil nasira mo na yung pagkatao ko? Ano? Tumawa ka na! Tutal 'yan naman yung gusto mo"

Sabi niya at tumulo yung mga luha mula sa mga mata niya.

Tumingin ako ay Caiter na saglit na natigilan.

"Masakit ba? Masakit bang malaman na sinungaling pala ang isang Zhiane?"

Akala ko ay magagalit siya kay Zhiane ngunit nagulat ako ng biglaan siyang tumawa.

"Ako? Magugulat? Masasaktan? Bakit? Hindi ko ba alam ang lahat?"

Sabi niya sabay tawa ulit.

Teka.. Alam niya?

"Alam mo?"

Naguguluhan na tanong ni Zhiane.

"Zhiane Lopez. Ang anak ng may ari ng Matté High na si Brix Almero Lopez. Namatay ang ina dahil sa paniniwalang na car accident ito. Very well said, right?"

Sabi niya at ngumisi sa akin.

Inis na tumingin ako kay Zhiane. Lumapit ako sa kaniya at sinabunutan siya.

Napaaray naman siya dahil sa ginawa ko.

"Bakit hindi mo siya kilala? Sino siya? Huh? Sino siya?!"

"Hindi ko alam!"

Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko na nasa ulo niya.

"Nashi, I am Caiter Guzman. Your friend."

Sabi niya sa akin.

"No, you're not! Nagsinungaling ka din!"

Sigaw ko sa kaniya.

"Yes, he is."

Natuon naman yung atensyon namin kay Shot na ngayon ay gising na.

"Alam ko ang lahat. Hindi ko alam kung paano nadiskubre ni Caiter yung totoong katauhan ni Zhiane. But I just want to tell you something."

Sabi niya at lumapit kay Caiter tsaka tumingin ulit sa akin.

"He lied, because he want to protect someone."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"What a bunch of stupids!"

Sabi ko.

Maya maya lang din ay nakarinig kami ng sirena ng pulis sa labas ng auditorium.

Nagpanic naman ako at tumingin kina Caiter.

"Don't tell me na tumawag ka ng pulis?!"

Sigaw ko sa kaniya.

Ngumisi naman siya.

"And what if I did?"

Tanong niya.

                        Zhiane

Nandito kami ngayon sa opisina ng police.

Iniinterview si Nashi ng officer-in-charge.

Nandito din si Dad na out of my expectation.

Matté HighWhere stories live. Discover now