Zhiane
Monday morning.
This is the final exam namin sa 11th Grade.
And since sa Matté High parin ako nag aaral, kailangan ko na namang suotin yung disguise ko as Kyrie Matté Park.
Kakaunti pa lang kami ditp sa classroom at wala pa sina Shot at Nashi.
Sa pagkakaalam ko ay nakalabas na din si Nashi sa kulungan the next day na hinuli siya noon.
Ewan ko lang nga kung pupunta sila.
"Zhiane, paano nga yung pagsolve kung ito yung gagamitin kong formula?"
Nalilitong tanong sa akin ni Caiter habang kumakamot sa ulo niya.
Tumawa lang ako tsaka lumapit sa pwesto niya.
Todo explain lang ako sa kaniya ng ganito ganyan sa paggamit ng formula, hanggang sa may sumipa sa pintuan ng classroom.
Dahilan para matigilan kaming lahat.
Kinabahan naman ako nang makita kung sino yung pumasok sa room.
It's Nashi.
Narinig kong naghiss si Caiter.
Dire-direto lang siyang naglalakad papunta sa upuan niya habang nakapamulsa.
I attempted to smile at him pero he didn't bother to take a glance at us.
"Ang cold niya parin"
Sabi ko kay Caiter.
"Syempre, asahan mo na yan"
Sabi niya at nagfocus ulit sa pagrereview.
Seeing them being like this, mukhang naging harsh naman yata ako dahil sa pagdisguise ko.
Nagulat ako ng bigla akong binatukan ni Caiter.
"Wag mong sisihin sarili mo, alam ko takbo niyang mapurol mong utak"
Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.
Nagpout naman ako.
"Hindi mapurol utak ko no! Pasalamat ka nga dahil tinuruan pa kita"
Nakangusong saad ko sa kaniya.
Tinitigan niya ako.
"Oo na, doggy ka parin"
Pang aasar niya at bago ko pa siya masapak ay nasalo niya agad yung kamao ko.
Humalakhak siya pagkatapos.
Tumingin ako sa wall clock at nakitang may 4 minutes na lang ang natitira bago mag umpisa yung exam.
Pinasadahan ko ng tingin ang bakanteng upuan ni Shot na nasa second row sa may bandang harapan.
Kesa mag alala sa kaniya ay mas pinili ko na lang na magreview pa para hindi ko malimutan yung mga lessons namin.
Maya maya lang din ay pumasok na sa loob yung teacher-in-charge namin.
"Ballpen and Paper is only allowed. No more else"
Paalala ng teacher.
Ngunit bago niya pa maidistribute yung test paper ay may pumasok bigla sa classroom namin.
Hindi nga ako nagkakamali. Si Shot.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako.
"Wag kang ngumiti, naiinlove yang hinayupak eh"
YOU ARE READING
Matté High
Teen FictionIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...