Zhiane
Wednesday morning.
Sinadya kong gumising nang maaga para makahanap ng maaring takasan ko mamayang midnight.
Yes, what you have read is true.
Tatakas ako, hindi para mag troublemake, kun'di para makasama ko si Sara sa gaganaping foundation day, the day after tomorrow.
Babalik sa mundo si Zhiane Lopez habang mananahimik ng panandalian si Kyrie Park.
And to tell you the truth, excited na talaga ako para bukas! Yay!
"Hoy!"
"Ay bakla"
Sigaw ko nang biglang sumulpot si Caiter sa gilid ko at sumabay sa paglalakad.
Papunta na akong classroom kahit alam kong kaunti pa lang yung mga tao doon. Trip ko eh. At may plano akong dapat gawin.
"Ano ba?! Parati ka nalang nanggugulat"
Sabi ko sa kaniya at inirapan siya.
"Stop staring, you'll die"
Sabi niya sa linya niyang bulok!
Bansot na! Pweh!
Inirapan ko siya ulit.
"Slow witted"
"Ano naman ba?!"
Sigaw ko at galit na hinarap siya.
Napakamot siya sa ulo niya at tumingin sa akin.
"Nakita mo ba yung enigma ko?"
Tanong niya kaya saglit akong napatigil.
Nawawala yung enigma niya? Hindi kaya...
"Kyrie! Caiter!"
Sabay kaming napalingon kay Shot na masayang papalapit sa amin.
Nagkatinginan kami ni Caiter at sabay na kumaripas nang takbo papalayo kay Shot.
Ayos din, parehas din palang gumagana yung utak namin.
Pagkarating namin sa harap ng pintuan ng classroom ay hapong hapo kami dahil sa pagtakbo.
Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Caiter yung kamay ko.
"Sa susunod pag tumakbo ka, hawakan mo yung kamay ko. It's better to hold your hand while we're running away"
Sabi niya at ngumiti.
A genuine smile.
"Wow! Daebak!"
Sabi ko with matching palakpak.
"Paniguradong maiinlove yung taong mahal mo sa iyo. Goodluck, Caitering boy"
Sabi ko at tinapik yung balikat niya.
Pumasok na din ako sa classroom.
Shot
Palang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang makita ang pagtakbo ng dalawang ugok papalayo sa akin.
"Naman eh! Bakit ba ayaw nila akong kasama?!"
Sabi ko at tsaka pinagsisipa yung flower pot habang nakapout pa.
"Shot! Sabay na tayo"
Sabi nang kung sino sa aking gilid.
Lumingon ako sa taong iyon at nakitang si Nashi pala.
Wala naman akong naging sagot at tahimik na naglakad.
YOU ARE READING
Matté High
Novela JuvenilIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...