Zhiane
Hello sunshine!
What day is today? It's Foundation Day! Yay!
Dahil sa masyado kong pagkaexcited para sa Foundation Day ng Matté High ay maaga akong gumising ngayong araw.
Tinawagan ko na din si Sara kagabi at ang gaga, namiss daw ako ng sobra.
Sa pagkakaalam ko ay 09:00 pa naman yung start ng Foundation Day kaya may one hour pa ako para magprepare.
Habang naghahanap ng magandang susuotin ko ay biglang nagvibrate yung phone ko sa table.
Sinagot ko naman ito at nakitang si Sara pala yung tumatawag
"Hello?"
"Zhiane!! What time ba yung Foundation Day sa Matté High?"
Halos mapairap naman ako dahil sa tanong niya.
"Ilang beses mo na ba akong tinanong tungkol dyan kagabi?"
Sabi ko sa kaniya at narinig ko lang ang pilyo niyang halakhak sa kabilang linya.
"Excited kasi akong makakita ng mga papabols"
Umiling iling naman ako dahil sa naging sagot niya.
Isa pa ang babaeng to eh, sobra pa sa echuserang palaka!
"Exactly at 09:00. Don't dress a revealing clothes, kun'di ipapatapon kita sa Mars"
Sabi ko sa kaniya at umoo naman siya.
Walang paalam akong naghung up at pinagpatuloy yung paghahanap ng magandang susuotin ko para mamaya.
Casual clothes lang ang meron ako dito. Hindi naman madami yung nadala ko pero ang hirap paring pumili.
Pero teka- - - sino at para kanino nga ba ako susuot ng maganda?
Ahhh! Ayoko na! Ngayon lang talaga ako nastress nang ganito. Noon naman eh kahit ano lang ay okay na sa akin. Aiisshh!
Sumalampak ulit ako sa aking kama at walang ganang tumingin sa ceiling ng kwarto.
Dalawang araw lang yung lumipas pero bakit namimiss ko na yung environment sa Matté High?
Bumuntong hininga na lamang ako.
Kinuha ko yung enigma mula sa aking bulsa at tinitigan ito ng maigi.
Ang taong nagmamay ari nito ay kilala si Caiter.
Then is it possible na isa kina Shot at Nashi ay si Mr. Stranger?
Ahh! Ewan!
Bumangon ako at kinuha yung tuwalya at dumiretso sa cr ng kwarto para maligo.
Nashi
Wala sa mood ang dalawang ugok na masama ko habang pinagmamasdan ang mga stalls na nakabalandra sa aming harapan.
Nakatambay lang kami sa lilim ng puno habang kumakain ng morning snacks.
Si Shot ay walang ganang kumakain ng paborito niyang wiggles habang nakapangalumbaba.
Si Caiter na may cold expression sa mukha habang panay ang sulyap sa gate ng school.
At ako na nagbabasa ng libro pero sa ibang dimensyon yung ikot ng utak ko.
"Babalik ba talaga si Kyrie?"
Tanong ni Shot habang nakapout tsaka nilantakan yung wiggles at popcorn ko.
"Ang takaw mo talaga!"
YOU ARE READING
Matté High
أدب المراهقينIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...