Chapter 25: Real Culprit

60 3 0
                                    

                           Zhiane

I'm done. I'm really done.

Tapos na ako sa pagpapasensya. Ubos na yung pasensya ko.

Naluluhang tinitigan ko si Kyla habang nag aalala siya sa akin.

Huminga ako ng malalim tsaka tumayo.

"Zhiane?"

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"I need some space Ky, sorry pero aalis muna ako"

Paalam ko sa kaniya at dali daling lumabas ng Starbucks.

If alam ko lang na siya pala ang nasa likod ng lahat ng ito, hindi na sana ako masasaktan.

Hindi na sana tutulo yung mga luhang sinayang ko noon pa simula nang mamatay si Mama.

Pagkalabas ko sa mall ay pumara ako ng taxi.

"Manong, sa Ship Cruise Port po."

Sabi ko at pumasok na sa loob ng taxi.

Habang nasa byahe ay pinipigilan ko naman ang mga luhang bumabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

All this time, bakit nga ba hindi ko pinagtuunan nang pansin yung pagkamatay ni Mama?

Bakit ngayon ko lang nalaman ang nasa likod ng pangyayari?

"Miss, nandito na tayo"

Bumalik ako aking huwisyo ng magsalita yung driver.

Kumuha naman ako ng pamasahe at iniabot ito sa kaniya.

Dali dali akong lumabas ng taxi at tumakbo papunta sa railing ng Private port.

Huminga ako ng malalim sabay sigaw ng malakas para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"NASHI ZAMBRONA! BAKIT IKAW?!! BAKIT IKAW PA?!"

I totally broke off.

Napaupo ako sa semento habang hawak hawak yung railing.

"Nashi.. Bakit ikaw pa? Bakit ang tinuring ko pang kaibigan? Bakit?!"

Bulong ko sa aking sarili habang pinipigilan ang mga luha ko.

"Nashi Oliver Zambrona is the real culprit, Zhiane."

Pabalik balik sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Kyla.

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na guni guni lang ang lahat. Pero nung bumalik ako sa araw kung saan nalaman niya ang totoong ako, that was just the time when my heart accepted it.

It's really true, Nashi is the one who set up the death of my Mom. And it's possible.

"Oh, luha mo tumutulo ulit. Ang pangit mo na tingnan"

Agad akong tumingala at nakita ang nag aalalang mukha ni Caiter habang nakalahad sa aking harapan ang isang panyo.

Tumayo ako at nahihiyang pinunasan yung luha ko.

Hinawakan niya naman yung kamay ko.

Imbis na hayaan akong punasan yung mga luha ko gamit ang aking kamay, siya na ang nagpunas ng mukha ko gamit yung panyo na hawak niya.

"Masisira mukha mo nyan kung kamay gagamitin mo. Para saan pa yung panyo?"

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti siya sa akin.

Yumuko na lamang ako upang hindi niya makita yung mukha ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

Matté HighWhere stories live. Discover now