Chapter 24: Revelation

67 2 0
                                    

                           Zhiane

"Welcome home, Señora Zhiane"

Maligayang pagbati sa akin ng mga maids at butlers namin.

Yes, with 's' kasi sobrang dami nila.

Pinagmasdan kong mabuti ang apat na sulok ng mansyon namin.

Walang pinagbago. MALUNGKOT parin ang tahanang ito.

"Insan, let's go! Yayayain pa kitang mamili ng mga gamit ko para sa pag stay ko dito"

Masayang sabi ni Kyla at nagpahila lang ako sa kaniya.

Isa pa yung babaeng to. Bakit ang hyper niya samantalang ako hindi? Psh!

Nang makapasok ako sa aking kwarto ay bumalik na naman yung atmosphere at aura na meron ako nung dito pa ako noon.

Ang laki na nga talaga nang pinagbago ko.

Hindi na ako yung immature na Zhiane noon.

I am the new version of myself.

Nilapitan ko yung mga scrap pictures na dinikit ko noon sa dingding ng aking kwarto.

Picture ko pa ito noong gradeschool ko together with my past crush.

Natatawa na lang ako sa mga alaalang yun. Kung saan sobrang shunga ko pa nun sa harapan niya tas tatawanan niya ako at guguluhin yung buhok ko.

Habang inaalisa ang bawat larawan sa dingding ng aking kwarto ay may kumatok naman sa pinto.

Humarap ako para tingnan kung sino ito at napairap nang makita si Kyla habang suot suot yung napakalaking ngiti niya na anytime ay parang mapupunit na yung pisngi niya.

"Ano na naman ba?"

Inis kong tanong sa kaniya.

Pumasok siya sa kwarto ko.

"Remember? It's shopping time! Magbihis ka na nga"

Bulyaw niya sa akin.

Napatingin naman ako sa suot ko.

Casual clothes as usual.

Tumingin ulit ako sa kaniya.

"Anong mali sa suot ko?"

Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Aish! Sige na, bilisan mo dahil nagmamadali ako"

Sabi niya.

Tatamad tamad akong lumapit sa harapan ng salamin at naglagay ng kaunting make up.

Light lang siya at inayos ko din yung buhok ko. Bundled siya at nilagyan ko din ng ribbon para maganda tignan.

Kinuha ko din yung shoulder bag ko na nagmatch sa color ng damit ko.

Bumalik ako sa harapan ni Kyla na naghihintay sa akin.

Umikot ako sa harapan niya.

"Satisfied?"

Tanong ko sa kaniya habang nakapout.

Wala naman siyang naging tugon.

Nag thumbs up lang siya sa akin at naunang lumabas sa kwarto ko.

Aish! Walang'ya talaga! Papaayusin ako tas wala namang comment. -_-

Ilang minuto pa ang nagdaan at napagdesisyunan din namin na umalis na.

"Insan, saan ba magandang bumili ng mga damit?"

Matté HighWhere stories live. Discover now