Caiter
Alam niyo yung feeling na ma-inlove?
Eto yun eh. Yung moment na magkasama kayo ng taong mahal mo.
"Ano bang iniimagine mo dyan?"
Tanong ni Zhiane habang busy siya sa pagreview ng mga notes niya.
Nginitian ko naman siya.
"Iniimagine yung kasal nating dalawa"
Banat ko sa kaniya at umiling lang siya.
"Abnoy ka na. Dalhin na kita sa mental"
Sabi niya tsaka kumuha ng nova na nakalagay sa platito.
Nandito kami ngayon sa terrace ng bahay nila. Nagrereview para sa upcoming final test bukas.
Since pwede naman akong makapunta dito anytime ay feel free lang ako na bisitahin si Zhiane.
Ang lakas talaga nang charm ko no? Haha.
"Meryenda para sa couple dyan"
Entrance ni Kyla kaya nabilaukan bigla si Zhiane sa kinakain niyang chichirya.
Tumawa naman ako.
"Oh, easy lang. Halata ka masyado eh"
Sabi ko kay Zhiane at sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Paky*!"
Sabi niya sabay taas ng middle finger niya.
"I love you too"
Sabi ko sabay kindat sa kaniya.
Kyla cleared her throat kaya umayos kami ng upo sabay tingin sa notes namin.
"Alis na ako, daming langgam eh"
Sabi niya sabay iwan ng juice at tinapay sa mini table tsaka dali daling umalis ng terrace.
"Bitter"
Rinig kong bulong ni Zhiane.
"Magreview ka na nga! Ayaw ko na mazero ka bukas"
Sabi ko at binigay yung ibang notes ko sa kaniya.
Nginitian niya naman ako.
"Thank You"
This is the first time na nagreview ako.
Yeah, believe it or not pero noong previous school year ay hindi ako nag aabalang magreview para sa gaganaping exam.
At ang malaman na si Zhiane lang yung kaya akong gawing ganito, ay naku! Kinikilig ako!
"How's Shot?"
Tanong niya habang nagbabasa parin ng notes.
Tumigil ako sa pagsusulat.
"Ayun, umalis sa condo unit ko at bumalik sa Matté High. Siguro di niya maatim na kasama ako sa iisang bubong"
Sabi ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya sabay inom ng juice.
"Sana maging maayos na ulit ang lahat"
Dagdag pa niya.
Hinawakan ko naman yung kamay niya.
"Syempre naman. Hindi hahayaan ni Shot na masira yung pagkakaibigan natin"
Instead of saying a word, she just nodded her head.
Kahit ako ay naapektuhan din sa biglang pagbabago ni Shot. Matagal ko nang alam na gusto niya si Zhiane kahit hindi niya pa matanggap sa sarili niya.
YOU ARE READING
Matté High
Dla nastolatkówIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...