Caiter
Maaga akong nagising ngayong araw dahil sa ingay na nanggaling sa kusina ng dorm.
Hindi lang kasi simpleng dorm ang meron dito sa Matté High. Modern ang pagkakagawa at malaki yung space sa bawat rooms kaya kumpleto pati kusina at mini studying room.
Bumangon ako at nagsuot ng pantalon at white t shirt. Si shot na naman siguro yung nagluluto. -_- Ugok talaga ang isang yun.
Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso sa kusina.
"Hoy Shot! Ano ba- - - what are you doing??"
Nagtatakang tanong ko kay Kyrie na nakaharap sa stove.
Lumingon siya sa akin.
"Gising ka na pala."
Saad niya at ibinaling muli sa stove yung atensyon niya.
"Ano ngang ginagawa mo?"
Ulit kong tanong sa kaniya.
"Hindi pa ba obvious? Nagluluto, malamang"
Pamimilosopong sagot niya.
Tss. Baliw yata ang isang ito.
Aalis na sana ako nang may maalala ako.
Magsosorry ba ako sa kaniya?
Pasimple akong tumingin sa kaniyang likuran.
Umiling ako bigla.
Hindi mangyayari yun.
"Hoy!"
"Ay tatay mong kalbo!"
Sigaw ko sa gulat nang bumulagta sa harapan ko ang pangit na mukha ni Shot.
Dahil sa ginawa niya ay mabilis kaming naghabulan sa loob ng dorm na akala mo ay mga batang nag aagawan ng laruan.
"Anong nangyari? Sinong nagluluto sa kusina?"
Tanong ng kakasulpot na si Nashi.
Halatang bagong gising ang isang to.
"To see is to believe!"
Baliw na sabi ni Shot at tumakbo papalayo sa akin.
Umiling iling lang si Nashi at pumunta sa kusina.
"Luto na yung pagkain"
Anunsyo ni Kyrie at tsaka inihain sa may lamesa yung pagkaing niluto niya.
Kanin, Bacon at Omelette. A typical breakfast for morning.
"Wow! Saan mo natutunang magluto ng ganito? Astig ka ah!"
Namamanghang sabi ni Shot habang tulo laway sa pagkain na tinititigan niya.
Impit na humalakhak si Kyrie.
"Marunong na ako niyan since gradeschool"
Sabi niya at bahagyang ngumiti sa among tatlo.
"Kain na tayo"
Alok niya at umupo na sa hapag kainan.
Uupo na din sana si Shot pero bigla ko siyang hinila papatayo.
"Hindi mo ba napansin?"
Tumingin sa akin si Shot nang may nakakunot na noo.
"Ang alin?"
Nagtatakang tanong niya.
"Yung ngiti ni Kyrie..pambabae"
Bulong ko sa kaniya habang nakatingin kay Kyrie at Nashi na ngayon ay kumakain.
YOU ARE READING
Matté High
Roman pour AdolescentsIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...