Chapter 16: Hints

86 3 0
                                    

                            Nashi

Kyrie is not Kyrie.

Ang unang ideya na pumasok sa aking isipan nang mabasa ko ang info na naglalaman ng details ni Kyrie.

Walang taong Kyrie na nag eexist  sa mundo.

Inis na binalik ko sa aking drawer yung papeles na pinadala sa akin ng private employer ko.

Matagal ko nang pinamamanmanan si Kyrie mula sa malayo.

Sa umpisa pa lang ay may napansin na agad akong kakaiba sa kaniya.

The way he act, his perfume, his gestures and even his expressions tells me so na may mali sa pagkatao niya.

At ang makitang negative ang pangalang Kyrie Park sa mundo, ibang tao ang kasama namin ngayon.

Ngunit ang tanong, sino siya?

At heto pa yung feeling na nababakla ako sa tuwing makikita ko siya. Pag naiisip ko yun, tumatayo bigla yung balahibo ko.

"We're here"

Rinig kong sabi ni Shot mula sa sala.

Inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas ng kwarto.

"Anong meron? Bakit kinailangan niyo pang bumili sa labas eh marami namang stock ng pagkain dito"

Tanong ni Caiter habang kumakamot sa ulo niya.

Nagkatinginan naman si Shot at Kyrie tsaka nagngitian sa isa't isa.

"For fun? Tsaka minsan lang tayong ganito. Sulitin na"

Sabi ni Kyrie sabay lapag ng mga pinamili nila.

Hindi kami pwedeng lumabas pag school days kaya may sariling stores dito sa loob ng school para less gastos.

Habang tinititigan ang bawat kilos ni Kyrie ay may napansin naman ako sa ngiti niya kanina.

"Zhiane?"

Wala sa huwisyo kong sabi ng matandaan ang pamilyar na ngiti ng babaeng yun.

As soon na marinig niya yung pangalang iyon ay napatigil siya sandali.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Bakit? Anong meron sa pinsan ko? Gusto mo siya no?"

Pang aasar niya sa akin.

Bigla ko tuloy naalala yung time na hinalikan ko si Zhiane ng walang pakundangan. Bakit ko nga ba iyon ginawa?

At bakit ko nga ba nafifeel kay Kyrie yung nafifeel ko din towards kay Zhiane?

Liar.

"Wala. I just found out that you look exactly like Zhiane. Or is it just my illusion?"

Sabi ko at umupo na sa upuan ng dining table.

Ngumiti lang siya at dumiretso na din sa kusina para magluto.

Come to think of it, if I will sum up the day which he arrived in this school up to now,

Marunong siyang magluto na hindi kadalasang ginagawa ng mga lalaki.

Pinagpapawisan siya nung taekwondo class and fainted after he received a kick.

Napansin ko din na mahina yung stamina niya at hindi masyadong built-in yung katawan niya.

He has a skinny pale skin.

At maayos yung kwarto niya na bihira mo lang makita sa kwarto ng isang lalaki.

And that thing..

Matté HighWhere stories live. Discover now