Zhiane
Pagkagising na pagkagising ko ay lumabas agad ako ng condo unit para lumanghap ng sariwang hangin.
Sunday Morning.
A day to spend in the church.
Hindi na nga ako halos napunta sa simbahan dahil sobrang busy ko sa ibang kaganapan na hindi naman importante. -_-
While relaxing myself, nakita ko na may nagpark ng kotse sa harapan ng condo ni Caiter.
Kunot noo akong lumapit doon at nagulat sa taong bumaba mula sa loob ng kotse.
"Dad!"
Masayang turan ko nang makita siya.
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.
Miss na miss ko na talaga ang isang 'to.
"Aissh, ang hug addict parin ng Princess ko"
Nakangiti niyang sabi sabay gulo ng buhok ko.
Hearing those words from him made me pout.
I'm not a baby girl anymore, matured na kaya ako para sa mga bear hugs na iyan. Sadyang namiss ko lang siya.
Maya maya pa ay biglang bumukas yung kabilang pintuan ng kotse at iniluwa noon si..
"KYLA?!"
Gulat na saad ko.
Agad naman siyang tumingin sa pwesto ko at namilog yung mga mata niya.
"INSAN?!"
She immediately walk towards me and hug me tightly.
"Kyaahh! Ang ganda ganda mo na! How to be you po? Kamusta ang Pinas?"
Excited na tanong niya sa akin ng kumawala siya sa yakap.
"Eto, okay pa rin. Maganda pa rin ako"
Sabi ko at nagtawanan lang kami.
"Zhiane? Mr. Lopez?"
Lumingon kami sa dalawang lalaki na nakatayo malapit sa pintuan ng condo unit.
Si Caiter na mukhang bagong gising at si Shot na expressionless habang nakatitig sa akin.
Lumapit naman si Dad doon at kinausap sila.
Para siguro magpasalamat.
Tulala lang ako habang nakatitig sa kanilang tatlo nang biglang siniko ni Kyla yung tagiliran ko.
"Ikaw hah, hindi mo manlang sinabi na kasama mo pala sa iisang condo unit ang mga hot at gwapo na ito"
Sabi niya habang may namumuong smirk sa labi niya.
"Long story."
Tipid na sabi ko sa kaniya.
"So? Who's the lucky guy?"
Kinikilig niyang tanong sabay kiliti sa tagiliran ko.
Panay iwas lang ako sa kaniya.
"Unlucky guy kamo."
Natatawang sabi ko.
"Then sino yung lalaking walang modo na iyan?"
Tanong ni Kyla sabay turo kay Shot na tahimik na nakikinig sa sinasabi ni Dad.
Mahina akong tumawa at humarap ulit kay Kyla.
"Kay Sara na 'yan"
Pabirong sabi ko.
YOU ARE READING
Matté High
Roman pour AdolescentsIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...