Chapter 18: Caiter

84 3 0
                                    

                          Zhiane

A normal walk for a teenager like me.

Nakasuot pa rin ako ng disguise. Kasi feel ko lang kahit kasinungalingan lang ang lahat.

Gusto ko nga sanang makasama si Shot sa paglalakad lakad kaso lang I need space naman para sa sarili ko.

Lalo na lately dahil stressed ako sa sudden happenings sa akin. Dagdagan pa ng finals next week sa school. Hayys. A totally loaded schedule.

Pero hindi naman iyon yung pinoproblema ko ngayon.

Inihahanda ko na kasi yung sarili ko sa mga susunod na mangyayari. Nag iisip na din ako ng paraan kung paano magpaliwanag sa kanilang lahat pag nagkataong ibunyag ni Nashi yung pagkatao ko.

That situation is really hard.

While walking ay nakakita naman ako ng mini park na malapit lang sa school.

Agad ko naman itong nilapitan. Sumakay ako sa swing at dinuyan ito.

Noong bata pa ako, si Mama palagi yung nakaagapay sa akin para hindi ako mahulog.

Iba na ngayon. I should trust myself para hindi ako mahulog at masaktan sa bandang huli. Sarili ko lang yung makakapitan ko.

At yung sarili ko lang din yung dapat kong sisihin kung bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon.

Tapos na ako sa paninisi sa iba.

Nabitin naman yung pagdadrama ko nang biglang magvibrate yung phone ko na nasa bulsa ng pants ko.

Binuksan ko ito at tinignan yung isang message.

From: Nashi-kun

Meet me in the auditorium.
Exactly 08:00 P.M.

Don't be late. We'll settle things down by ourselves.

Send a reply:

Ay wow! Ang sosyal naman yata ng Kuya niyo!

Psh! Kung ako ang tatanungin, namimiss lang ako ng lalaking 'to eh.

Binalik ko na lang ito sa bulsa ko at pinagpatuloy yung pagswing.

Nakaramdam ako ng hindi magandang atmosphere dito at isama mo na yung feeling na parang may tao sa aking likuran.

Dahil sa masamang hangin na nafeel ko ay tumayo ako mula sa swing at tatakbo na sana pero may taong hinila ako pabalik.

Hinarap niya ako at doon ko nakita ang mukha nung lalaking nasa auditorium na kinidnap ako upang patayin sana.

"Long time no see, Lopez"

Wika niya at malademonyong ngumiti.

"A-anong kailangan m-m-mo?"

Nauutal kong tanong sa kaniya ngunit tumawa lang siya.

Nanindig naman yung balahibo ko dahil sa tono ng pagtawa niya.

"Papatayin ka"

Sabi niya at bago pa ako makahingi ng tulong ay nawalan na ako ng malay.

Matté HighWhere stories live. Discover now