Caiter
2 days and 1 night na akong walang tulog.
Hanggang bantay na talaga yung magagawa ko para kay Zhiane. Sa nakalipas na mga araw ay hindi ko na inisip yung kapakanan ko.
The hell! My girlfriend is in the brink of dying at may gana pa akong kumain, matulog nang hindi nag aalala sa kaniya? Psh. Shameless na akong boyfriend nun.
4 A.M. na at hindi parin ako umiidlip magmula kagabi. 2 days na din na hindi pa nagigising si Zhiane.
Sobra na talaga yung pag aalala ko.
"A coffee for a painful heart?"
Offer ni Kyla ng Starbucks coffee na binili niya pa yata sa labas ng hospital.
"Thanks"
Tipid na sabi ko at kinuha yung kape mula sa mga kamay niya.
Umupo siya sa harap ng hospital bed ni Zhiane at hinaplos yung ulo niya.
"This girl is really something. Biruin mo yun? Nakayanan niya pang ngumiti sa harapan ko kahit may iniinda na pala siyang sakit"
She said while smiling at her.
"Zhiane is strong, alam kong lalaban siya."
Dagdag ko pa at marahan naman siyang tumango.
Akala ko stable na ang lahat magmula nang dalhin sa hospital si Zhiane. Ngunit ang pag asang namumuo sa puso at diwa ko ay napalitan ng kaba nang biglang tumunog ang heartbeat regulator ni Zhiane.
Nagpanic kaming dalawa ni Kyla.
"Tawagin mo yung doktor! Bilis!"
Sabi ko at dali dali naman siyang lumabas ng kwarto.
Nilapitan ko si Zhiane at hinawakan ng mahigpit yung kamay niya.
"Zhiane, wag kang bibitaw. Zhiane naman eh! Ngayon ka pa ba mang iiwan kung saan malapit nang maayos ang lahat?"
Pagsusumamo ko sa kaniya.
Bumabadya na ding umaagos ang mga luha ko na tanging pagpigil na lang talaga yung nagagawa ko.
Maya maya ay pumasok ang isang lalaking doktor at mga nurse.
Pinalabas muna kaming dalawa ni Kyla.
"Do you think she will be okay?"
Tanong ni Kyla na mas dumoble ang kaba.
Hindi ako sumagot.
Walang kasiguraduhan ang lahat.
Lumabas ako ng hospital. Tinatawag paa nga ni Kyla yung pangalan ko pero hindi na ako nag atubiling harapin pa siya.
Ang pagtulo na lang nang aking luha ang nagagawa ko.
At that moment, I think I already lost my mind. Wala nang nag eexist na Caiter Guzman sa mundo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Mabubuang na yata ako dito!
Mas pinili ko na lamang na pumunta sa rooftop ng hospital at doon igugol yung pait at sakit na nararamdaman ko.
"Ahhhhhhhhh!!"
Sigaw ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.
Napaupo ako sa semento at humagulgol nang iyak. Sinuntok ko nang sinuntok ang pader na nasa harap ko.
Wala na akong pake kung magkasugat yung kamay ko. All I want is for Zhiane to be healthy again.
Walang sakit na dinadala.
YOU ARE READING
Matté High
Teen FictionIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...