Caiter
Walang pinagbago. Tulog pa rin si Zhiane.
Heto kami ngayon at binabantayan siya kasama si Mr. Lopez.
Dumalaw siya dito kasi nalaman niya na anytime ay maaari nang kunin yung mga machine na nakakabit sa katawan ni Zhiane.
Iyon ang paliwanag ng mga doktor. Pag hindi pa daw nagising si Zhiane pagpatak ng alas dose nang hatinggabi ay kukunin na nila yung machines. Kakaunti na lang din daw kasi yung chance na magising pa siya.
Base sa kanila ay baka nakaepekto na yung breast cancer sa utak niya kaya hindi na din nagfufunction yung neurons niya.
"This is all my fault"
Nakayukong sabi ni Mr. Lopez habang nakaupo sa sofa.
Lumapit naman sa kaniya si Kyla at lumuhod sa harapan niya.
"No, Tito. Walang may kasalanan. Wag mong sisihin yung sarili mo. Ipinadala mo si Zhiane doon for her own good. Look, nakakita siya nang totoong mga kaibigan and a loyal lover"
Sabi ni Kyla sabay turo sa akin at kina Nashi.
Yeah, dito namalagi sila Shot nang marinig nila yung sinabi ng mga doktor kagabi. Nag aalala sila kaya hindi na nila nagawang umuwi sa bahay.
"Ganyan na ba kapurol yung utak mo?"
Biglang singit ni Nashi.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Hindi ganun kahina si Zhiane para bitawan ang buhay na hiniram niya. Maari nga itong kunin mula sa kaniya pero hinding hindi niya tayo iiwanan"
Paliwanag ni Nashi at natahimik naman si Mr. Lopez.
"She's a good daughter and a great friend. Alam mo din sa sarili mo na matatag siya. Have a trust in her"
Dagdag pa ni Shot.
"Tito, they are right. This is not the end. Walang mawawala at walang mawawalan."
Sabi ni Kyla.
Tumingin siya sa aming lahat at tipid na ngumiti.
"Salamat. I just need some fresh air."
Paalam ni Mr. Lopez at agad na lumabas ng kwarto.
Bumuntong hininga si Kyla at umupo sa sofa.
"Hindi niyo man sabihin sa akin ay alam kong kinakabahan din kayo"
Sabi niya at lahat kami ay napayuko.
"I-it's alright. G-god is still th-th-there to help us. Wag tayong.. mawalan nang pag asa"
She said while her voice is stammering.
She must be really sad.
"Ansakit. Ansakit sakit"
Naiiyak na sabi ni Shot at napaupo sa sahig.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik tapik yung likod niya. Tumulo yung mga luha niya.
Tinitigan ko si Nashi at nakitang sumandal siya sa pader at tumanaw sa malayo habang may namumuong luha sa mga mata niya.
"B-bakit? Bakit kailangang mangyari ang ganito?"
Namamaos na tanong ni Shot. Naikuyom ni Shot yung kamay niya.
"Trust her, Shot. Huh? Trust her"
Sabi ko pa sa kaniya.
Tumingin siya sa akin.
YOU ARE READING
Matté High
Genç KurguIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...