Zhiane
Malakas na halakhakan at kulog ang nagpagising sa aking diwa.
Pipikit pikit akong nagmulat ng mga mata at tumingin sa hindi pamilyar na lugar.
"Nasaan ako?!"
Sigaw ko sa mga lalaking nakaupo sa round table sa aking harapan habang naglalaro ng bahara.
"Shut up b*tch!"
Sigaw nang isa sa kanila at nagsitawanan.
Nakatali ako sa isang upuan. May iisang ilaw lamang ang gumagana at pundido na yung iba.
Maalikabok ang mga bagay sa paligid at may kaunting liwanag nang buwan ang nakasilip sa ceiling ng lugar na kinaroroonan ko.
Omo! Did I get kidnapped?
"Kidnapper! Tulong! Tulong!"
Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa tumayo ang isa sa kanila at inis na nilapitan ako.
"Sinabi na ngang tumahimik ka eh!"
Sigaw niya at sinampal ako ng pagkalakas lakas.
Sinenyasan niya yung iba niyang mga kasama at bigla naman silang lumabas.
I concluded na malapit lang ako sa Matté High dahil nung lumabas sila ay nakita ko yung 7eleven at Starbucks na malapit lang naman sa school namin.
"Ano bang kailangan niyo?!"
Matapang kong tanong sa kaniya.
Nginisian niya naman ako.
"Anong kailangan namin? Kamatayan mo ang kailangan ni Boss!"
Saad niya sabay pitik sa noo ko.
"Boss?"
Tanong ko nang hindi inalintana yung sakit sa aking noo.
"Wala ka na dun."
Sabi niya at bumalik sa lamesa kanina. May kinuha siyang kung ano at nang humarap siya ay kinabahan ako bigla.
"Dahil mamamatay ka, katulad sa pagkamatay ng iyong ina!"
Sabi niya at nilapitan ako sabay tutok ng kutsilyo sa aking leeg.
Katulad ng pagkamatay ni Mama? 'Wag mong sabihing..
"Pinatay niyo siya?!"
Galit kong sigaw at bago ko pa siya masipa ay may pamilyar na tinig akong narinig sa may di kalayuan.
"Oy, easy lang pre, 'wag namang ganyan."
Sabi nang kung sino at bigla kong nakita ang isang lalaking nakahood sa may ceiling kung saan ay natatamaan ng liwanag ng buwan.
That's him! Si Mr. Stranger!
"Sino ka?!"
Sigaw ng lalaki sa kaniya.
Dahil sa pagpapakita niya ay nabuhayan ulit ako ng loob.
"A good for nothing jerk, I guess?"
Nakangisi niyang sabi sabay bulusok paibaba. Mabilis ang reflexes niya at agad niyang naipatumba yung lalaki ng walang kagalos galos.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan niya ako.
"I see. I didn't expect that I have to run into you for the second time. At alam kong nasa iyo yung enigma ko"
Sabi niya sa akin habang suot parin yung misteryosong hoodie niya.
'Hoodie Guy'
Bigla kong naalala yung sinabi ni Nashi noong gabing nahuli niya ako.
YOU ARE READING
Matté High
Teen FictionIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...