Zhiane
Sa Matté High nagsimula ang lahat, sa Matté High din matatapos ang lahat.
"Hey!"
Bati sa akin ni Caiter at umupo sa tabi ko.
Nginitian ko siya.
"How's your day?"
Tanong ko sa kaniya.
Uminom siya nang dala niyang cola in can.
"Boring. Wala ka na kasi sa klase"
Saad niya at tumawa lang ako.
Nandito kami ngayon sa rooftop nang Matté High. Nag open si Dad ng new policy sa school.
Hindi na for all boys ang Matte High. Isa na itong paaralan para sa lahat.
And next school year, dito na ako mag aaral. For good and for my love ones.
Caiter ruffled my hair.
"Ano ba! Masisira yung buhok ko nyan"
Inis na sabi ko sa kaniya at humalakhak lang siya.
"Okay lang, maganda ka parin sa paningin ko"
Sabi niya sabay kindat sa akin.
"Kailan ka kaya gugwapo? Ang pangit mo sa paningin ko eh"
Sabi ko sa kaniya.
Kumibit balikat lang siya at tumanaw sa malayo.
"This is really the moment. Ang moment kung saan ay kasama kita at hawak hawak yung kamay mo"
He said while smiling.
"Ang corny mo"
Komento ko sa kaniya.
"Para naman sayo"
Sabi niya sa akin.
"Ang landi mo"
Pambabara ko sa kaniya at binatukan niya naman ako.
"Nilalandi kita para akin lang iyang puso mo, gets?"
He said while smirking.
Umiwas lang ako nang tingin sa kaniya.
"Hey guys!"
Sabay kaming lumingon ni Caiter sa mga taong papalapit sa pwesto namin.
Sila Nashi!
"Mga abnoy, anong ginagawa niyo dito?"
Masayang tanong ko sa kanila.
"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang solohin si Caiter? Mahiya ka naman sa amin Zhiane"
Pambabara ni Sara sa akin.
Inirapan ko nga yung bruha. Masyadong epal eh.
"He.he. Ang pangit mo!"
Sarkastikong sabi ko sa kaniya at hindi niya naman ako pinansin.
Lumapit sa amin sila Nashi. Nagyakapan silang tatlo ni Caiter at Shot.
Masaya sa feeling na nagkaayos na sila. At nakakagaan ding malaman na ayos na din ang lahat sa pagitan namin.
Nilapitan ako ni Kyla.
"Ang dali nang panahon no? Parang kailan lang nung bata ka pa at heto, lumalablayp na"
Kutya ni Kyla sa akin sabay siko sa tagiliran ko.
"Heh! Ang sabihin mo, bitter ka lang"
Sabi ko sa kaniya at binelatan lang ako ng bruha.
Sumandal ako sa pader ng rooftop at pinagmasdan silang lahat.
YOU ARE READING
Matté High
Teen FictionIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...