Shot
Zhiane is great.
Sino nga bang babae ang magpupursiging pumasok at magpanggap na isang lalaki sa Matté High para lang sa kagustuhan ng Dad niya?
Kaya nga idol ko siya eh. ^^
"Tukmol, bilis!"
Sigaw ni Caiter habang nakasulyap sa bintana ng van.
Nasa labas naman si Zhiane at naghihintay sa akin.
As usual, hilig niya talagang magsuot ng casual clothes gaya ng first time na pagkakita ko sa kaniya.
She's wearing a flat shoes, black plain T-shirt at denim pants.
Binitbit ko naman yung dala ko at lumapit sa van.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Tanong ko kay Zhiane.
"Carnival"
Sabi niya at binagsakan tuloy ako ng langit at lupa.
"Carnival?! Tas akala ko eh sa beach tayo kaya ako nagdala ng maraming gamit!"
Bulyaw ko at lumapit naman sa akin si Zhiane at bumulong.
"Wag tayo sa beach, andaming b*tch doon eh"
Sabi niya at tsaka kinindatan ako.
Pumasok na siya sa loob ng van at iniwan akong nakanganga.
I was fooled by these gals. -_-
Nagdala tuloy ako ng napakaraming wiggles. Stock ko pa 'to sa bahay eh!
"Hoy! Tutunganga ka na lang ba dyan?! Pasok na!"
Inip na sigaw sa akin ni Caiter.
Ako na nga itong nauto tas may gana pa siyang sigawan ako!
It hurts my heart. Ouch!
Inirapan ko lang siya at nakapout na pumasok sa backseat ng van. Katabi ko tuloy yung mga gamit na dala ko at hindi si Zhiane -_-
Hoy wag kayong ano! Mas love ko parin si Sara. Idol ko lang si Zhiane.
Bored akong tumingin sa labas ng bintana habang bumabyahe.
Nasaan ba yung carnival na yun at mukhang ang layo naman yata ng byahe namin. Psh!
Dumako kay Zhiane yung tingin ko at nakita siyang umiidlip habang may nakapasak na earphone sa taenga niya.
"Stop staring, you'll die"
Tamad na tumingin ako kay Caiter.
"Yeah, whatever! Luma na iyang linya mo"
Sabi ko at dinilaan siya.
Sinamaan lang niya ako ng tingin.
Hindi ko na lang siya pinansin at nilantakan yung dinala kong wiggles.
Tumaba na kung tumaba, appearance doesn't matter -_-
"Bakit ka ba nakabusangot?"
Agad akong napatingin kay Zhiane na ngayon ay nakangiti habang nakatitig sa akin.
"Ang pangit kasi ni Caiter"
Pang aasar ko.
Narinig ko naman siyang nag hiss.
Tumawa bigla si Zhiane.
"Matagal na yan"
Sabi niya at nakipag apir sa akin.
YOU ARE READING
Matté High
Teen FictionIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...