Shot
Hindi ko alam kung bakit ba ganito yung nararamdaman ko.
Maari nga bang nagkakagusto na ako kay Zhiane? Aissh! Ewan!
"What's bothering you?"
Lumapit si Caiter sa tabi ko.
Kanina pa kami nakauwi at nandito kami sa condo unit ni Caiter.
Since hindi pwedeng malaman ng lahat na nagpapanggap si Zhiane, mas minabuti na naming lumayo muna. Binigyan naman kami ni Mr.Lopez ng pahintulot at nainform na din yung admin ng school.
"Wala. Pagod lang"
Sabi ko naman sa kaniya.
"Weh? Di nga? Kilala kita Shot"
Sabi ni Caiter sabay akbay sa akin.
Uminit bigla yung ulo ko dahil sa kakulitan niya.
"Sinabi ngang wala eh! Mahirap bang intindihin yun?!"
Galit na sigaw ko at didiretso na sana ako sa kwarto nang makita ko naman si Zhiane sa likuran namin.
"A-anong nangyayari?"
Tanong niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"Wala. Makulit kasi si Caiter."
Lumapit siya sa pwesto namin.
"Okay ka lang ba?"
Nag aalalang tanong niya.
Nginisihan ko naman siya.
"Bakit? May magbabago ba kung sinabi kong hindi? Pagtutuunan mo na ba ako ng pansin? HINDI. Kasi hindi naman ako si Caiter Guzman"
Sabi ko at dali daling pumasok sa kwarto ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay ginulo gulo ko yung buhok ko.
Shot Mendrez, you stupid jerk! Anong nangyayari sayo at kung ano ano nang mga nasasabi mo?
Mahal ko na nga ba si Zhiane?
Argh! Bwisit!
Sumalampak ako sa aking kama at tinitigan yung picture naming dalawa ni Meirin noon na hanggang ngayon ay nasa phone ko pa.
Why did you have to leave? Bakit mo ako kinailangang iwan dito nang nag iisa at walang karamay? Meirin Smith, bakit?
Iidlip na sana ako ng makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto.
"Shot? Pwede ba kitang makausap?"
Rinig kong tanong ni Zhiane mula sa labas.
Tumalukbong naman ako ng kumot para hindi maranig yung sasabihin niya. Pero mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana dahil bigla na lang bumukas yung pintuan sa kwarto at pumasok siya.
Crap! Hindi ko nailock.
"Leave."
Cold kong sabi sa kaniya habang nakalatukbong parin ng kumot.
Bumuntong hininga naman siya.
"Ano bang meron? Wala na nga si Nashi, ngayon naman ikaw"
Malungkot na saad niya.
"Hindi ako mawawala, mananahimik muna ako. Because the more I talk, the more it hurts inside"
Sabi ko sabay turo sa puso ko kahit hindi niya naman nakikita.
Umupo siya sa kama ko at tumabi sa akin.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan pero kung gusto mo nang kausap, nandito lang ako"
YOU ARE READING
Matté High
Teen FictionIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...