Nashi
"Sigurado ka bang okay ka lang?"
Nag aalalang tanong ko kay Kyrie habang pabalik kami sa dorm.
Tumingin siya sa akin at tumango sabay ngiti.
"Yeah. Hindi naman gaanong masakit"
Sabi niya at hinawakan yung dibdib niya.
Ngayon ko lang din napansin na medyo iba pala yung hurma ng dibdib ni Kyrie kesa sa amin.
Parang walang laman at hindi matipuno.
"Stop staring! You'll die"
Bigla kaming napatingin kay Caiter na ngayon ay nakataas yung kilay na nakatingin sa amin.
"KYRIIIE!!!"
Nabaling ang atensyon namin sa lalaking papalapit sa pwesto naming tatlo.
Si Shot. -_- Ang pinakaannoying brat sa balat ng lupa.
Sinunggaban niya agad ng yakap si Kyrie at todo naman yung paghiwalay namin ni Caiter sa kaniya.
"Hi Shot"
Bati ni Kyrie kay Shot na ngayon ay mukhang tukmol dahil sa saya.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?"
Sunod sunod na tanong niya sabay usisa sa katawan ni Kyrie.
"Hep! Hep! Hep! Tama na yan, minamanyak mo eh"
Sa katagang sinabi na iyon ni Caiter ay kumunot yung noo ko.
He sounded like Kyrie is a girl.
Psh! Wala naman siguro yun.
"Halina na nga kayo at kailangan pang magpahinga ni Kyrie"
Sabi ko at nauna nang maglakad sa kanila.
Zhiane
That kick got me for good. Really. -_-
Ansakit, kainis naman eh! Palabanin ba naman ako kay Sid na magaling sa Judo at Taekwondo! Aishh!
Dapit hapon na at busy yung tatlong ugok sa pagluluto ng ulam.
Nandito naman ako sa kwarto ko para I check yung sitwasyon ng tagiliran at dibdib ko.
"Ouch!"
Daing ko nang mailagay ko yung body patch sa aking tagiliran. Nagkabukol ito at may namamagang parte, same din sa dibdib ko na nagkulay violet yung magkabilang gilid.
What I am worried the most is baka nafeel ni Sid 'yun' nung sumipa siya.
Kun'di, paktay na ako!
Sinuot ko yung t shirt ko at tumayo tsaka nag inat inat ng katawan.
Maya maya ay nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok sabay ang pagbukas ng pinto sa aking kwarto.
"Kyri- - gusto mong kumain?"
Napatingin ako kay Shot na nakatayo sa pinto at tulalang nakatingin sa ak- - sa legs ko pala.
Nakashort lang kasi ako dahil sobrang init dito sa dorm kahit may sari-sarili kaming electric fan.
"Sure, let's go"
Sabi ko at ngumiti.
Dinaan ko si Shot at lumabas na ng kwarto diretso papuntang kusina.
Pagkarating ko doon ay kumatok ako sa pader at napatingin naman sila sa akin.
Kagaya ng naging reaksyon ni Shot, ganoon din yung nakita ko sa dalawa.
YOU ARE READING
Matté High
Ficção AdolescenteIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...