Nashi
"Iiwan? Sino? Kayo?"
Gulat kaming lumingon sa gilid ng kwarto at nakita ang babaeng nakangiti habang nakatitig sa aming lahat.
"H-how?"
Nalilitong tanong ni Caiter.
Nagpabalik balik sa babaeng nakatayo at sa hospital bed yung tingin niya.
"Zh-zhiane? Ikaw ba talaga yan?"
Tanong ni Kyla habang unti unting lumalapit sa babaeng nakangiti pa rin hanggang ngayon.
"Sino pa ba sa tingin mo?"
Tanong niya at agad na lumapit si Kyla sa kaniya at niyakap ito.
"Th-then sino ito?"
Nagtatakang tanong ni Shot.
Maski ako ay naguguluhan din.
Nagkibit balikat lang siya.
"Hindi ako yan. Heto ako oh, nakatayo sa harapan niyo"
Sabi niya at nag peace sign.
"Yaahh! Ang boba mo talaga! How dare you to trick us?!"
Naiinis na sabi ni Kyla.
Tumingin naman si Zhiane sa Dad niya.
"Alam ni Dad ang lahat. Alam niyang magigising ako."
Sabi niya sa aming lahat.
Kumaripas nang takbo si Caiter papalapit kay Zhiane at humagulgol na naman nang iyak.
"Alam mo namang mahal kita pero bakit kailangan mo akong atakihin sa puso?!"
Iyak nang iyak si Caiter habang sinasabi iyon kay Zhiane.
Tumawa lang si Zhiane at niyakap din si Caiter.
"Ang crybaby mo talaga. Oh siya sige, sorry po. Mahal din kita"
Sabi ni Zhiane sa kaniya.
I'm glad. Maayos na si Zhiane.
"Oh, gising na nga ako pero bakit umiiyak ka pa din?"
Tanong ni Zhiane at umiling iling lang si Caiter sabay punas ng luha niya.
"Masaya ako. Masaya ako dahil buhay ka pa"
Sabi niya naman.
"Wow, parang sinasabi mo naman na mamamatay agad ako"
Natatawang sabi niya.
Binatukan naman siya ni Kyla.
"Gaga! Nag alala kami tas ganito lang yung gagawin mo?! Tinurture mo kami hah!"
Galit parin na sabi sa kaniya ni Kyla.
Nag peace sign si Zhiane at nagpacute pa kay Kyla.
"Sorry na. Hindi ko naman yun ginusto eh"
Pagmamakaawa sa kaniya ni Zhiane.
Umiwas lang nang tingin si Kyla sa kaniya at dali daling lumabas nang kwarto.
Tumawa lang kaming lahat sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Masaya ako dahil maayos na ang sitwasyon ni Zhiane. At alam kong ganoon din ang nararamdaman nang lahat.
Tumingin siya sa aming tatlo. Lumabas na kasi kanina pa yung Dad niya kasabay ni Kyla.
"Hey guys! Kamusta?"
YOU ARE READING
Matté High
Fiksi RemajaIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...