Shot
"St. Brilton Hospital po"
Sambit ko sa driver ng taxi nang makapasok ako sa loob.
Wala naman siyang sinabi at nag umpisa nang magdrive. This is the day na bibisitahin ko si Zhiane.
Ngayon din pupunta doon si Nashi.
Bumuntong hininga lang ako sabay tingin sa labas ng bintana ng taxi.
Sa nakalipas na mga buwan, taon at araw, andami na talagang nagbago. Time is fast approaching and days is quickly fading.
Ilang minuto pa ang tinagal ng byahe papuntang St. Brilton Hospital. At sa wakas, nakarating din sa paroroonan.
Nang makabayad ay agad akong lumabas ng taxi at dire-diretsong naglakad papasok sa hospital.
Lumapit ako sa information desk kung saan ay may mga nakatokang nurse sa pagbabantay.
"Excuse me, anong room number ni Zhiane Lopez?"
Tanong ko sa nurse na malapit sa pwesto ko.
She scanned the folder right in front of her at agad naman siyang sumagot.
"Room. 208 po Sir, 2nd floor building"
Sabi niya at nagpasalamat naman ako.
Nag umpisa na akong maglakad habang lumingon lingon sa bawat rooms na madadaanan ko.
Being inside in a hospital makes me sick. Aura pa lang nang mga nandirito ay hindi ko na masikmura.
Dumaan ako sa hagdan kung saan may sign na nakalagay na 2nd floor.
Malayo layo pa yung nilakad ko hanggang sa matagpuan yung room ni Zhiane. Private room pala ito at wala masyadong katao tao.
Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Wala namang sumagot kaya ako na yung nagbukas at nadatnan ko si Caiter na mahimbing na natutulog sa harap ni Zhiane.
Sa may sofa naman ay yung pinsan niya yata.
Tahimik akong pumasok sa loob at sinarado yung pinto nang hindi nakakalikha ng anumang ingay.
Nilapag ko sa beside table yung mga prutas na pinamili ko sa tindahan.
Kumuha ako ng isang monoblock chair at umupo sa gilid ni Zhiane, kaharap ni Caiter.
I sighed.
Malungkot akong tumitig sa nakahimlay na si Zhiane.
"Nalulungkot ka ba? Kasi ako? Lungkot na lungkot. Kailan ka ba magigising? Zhiane, hindi ito para sa akin kun'di para sa iyo, sa pamilya mo..."
Sandali akong napatigil at tumingin kay Caiter na tulog parin.
"At para kay Caiter."
Hinawakan ko yung kamay ni Zhiane.
"Kaya gumising ka na please?"
Pagsusumamo ko na akala mo ay sasagot talaga siya sa akin.
"Shot?"
Tumingin ako kay Caiter na ngayon ay gulat na gulat habang nakatitig sa akin.
Ngumiti ako.
"Yo!"
Bati ko sa kaniya.
"Kamusta ka na?"
Tanong niya sa akin.
"Okay lang. Si Zhiane?"
Tanong ko sa kaniya at naging malungkot ulit yung mukha niya.
"Wala paring kasiguraduhan kung magigising siya."
YOU ARE READING
Matté High
أدب المراهقينIn a story, there's always a big twist in the main protagonist's life. Zhiane Lopez is just a normal girl back then. Not until her Dad forced her to transfer in a school where Zhiane differs from the rest of them. Can she manage to be a great preten...