ARCHIMERIA

1.5K 121 71
                                    

Chapter III: Archimeria

Tinitigang mabuti ni Erasmus si Calistin upang makilatis kung sinsero ba ito sa kanyang mga sinasabi. Nagtatalo ang kanyang isip at damdamin sa pagpapasyang kanyang gagawin. Mayroon siyang katungkulan at tungkulin niyang ipagbigay alam sa reyna na mayroong dayong nilalang na napadpad sa kanilang lugar subalit kapag ginawa niya iyon ay tiyak na mabigat na kaparusahan ang matatanggap ni Calistin kahit pa siya ay walang masamang pakay. Nabuo ang panuntunang ito magmula ng magwakas ang huling digmaang naganap sa kanilang lugar.

Sa kilatis ni Erasmus ay kumbinsido siyang walang masamang layunin si Calistin.

"Hahayaan kitang manatili dito hanggang sa makabalik ka sa mundo mo." Seryosong sabi ni Erasmus

Lumiwanag ang mukha ni Calistin at... "Maraming salamat!" Napapatalong sabi ni Calisitin.

"Sa isang kondisyon."

"A-anong kondisyon?" Nag-aalangang sabi ni Calistin

"Madami, kaya makinig ka."

"Wait.. Teka sandali.. Ang sabi mo isang kondisyon lang.."

"Nais mo ba talaga ng matutuluyan?"

"O-opo! Opo naman! Ito naman para nagtatanong lang... Sige kahit gaano karaming kondisyon makikinig ako." Nakangiting sabi ni Calistin

"Una, kailangan mong maging tapat sa akin. Tapat sa iyong mga winiwika at ginagawa. Marami akong hindi alam sa'yo, sa istilo ng pamumuhay mo at kung anong klase kang nilalang.

"Chicken, chicken.."

"Pangalawa, hindi ka maaaring lumayo sa aking tahanan ng hindi ako kasama o wala akong pahintulot."

"Walang prob...." Naputol na wika ni Calistin nang biglang sumingit si Erasmus

"Maaari bang huwag kang sumingit hanggat hindi pa ako natatapos magsalita?" Naiiritang sabi ni Erasmus

"Paumanhin.." Mahinang sabi ni Calistin

"Pangatlo, kailangan mong matutunan kung paano mamuhay sa mundong ito. Kailangan mong ayusin ang iyong pananalita, pananamit at pagkilos. Hindi dapat malaman ng ibang mga nilalang na hindi ka nagmula sa mundong ito dahil maaari mo itong ikapahamak."

"Mapapahamak? Parang nakakatakot na 'to ah... Pero sige keri ko pa."

"Pang-apat, tutulungan mo ako sa lahat ng aking mga gawain dito sa aking tahanan ng hindi nagrereklamo."

"Given na 'yon."

"At pang lima, hindi ka maaaring pumasok at magtanong tungkol sa bahay na malapit sa malaking punong pinagkukunan ng tubig, maliwanag ba?" Pagtatapos ni Erasmus

"Opo, maliwanag." Maikling sagot ni Calistin ngunit nakaramdam siya ng pagka-curious kung ano ang nasa loob ng bahay na iyon

"Tutulungan kitang makahanap ng paraan upang makabalik sa iyong mundo. Batid kong alam ng reyna kung paano ka makababalik sa iyong pinanggalingan." Wika ni Erasmus

"Reyna? Kung alam n'ya, bakit hindi pa tayo lumapit sa kanya?"

"Hindi ganoon kadali ang iyong sinasabi." Wika ni Erasmus habang naghahanda paalis. "Mamaya tayo mag-usap. Kailangan kong umalis upang gampanan ang aking tungkulin. Marami tayong dapat na pag-usapan. Maaga akong babalik. Pag sapit ng hapon ay narito na ako. Makabubuting magpahinga ka dahil alam kong hindi ka nakapagpahinga ng maayos. Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa lugar na ito."

"Maraming salamat Erasmus. Hihintayin ko ang iyong pagbabalik." Sagot ni Calistin.

Umalis na nga si Erasmus. Punong puno ng katanungan ang pag-iisip ni Calistin subalit wala siyang magagawa kundi ang hintayin lamang si Erasmus. Hindi nakialam ng kahit na anong gamit si Calistin sa loob ng tahanan. Inikot lamang niya ang buong bahay at sinuri ito. Matapos iyon ay naupo na lamang siya at naghanap ng maaari niyang pagkaabalahan o pagpalipasan ng oras sa bag na kanyang dala. Napalaki ang ngiti niya nang makita niyang may dala siyang libro. Sinimulan niya itong basahin at hindi na niya namalayan na siya ay nakatulog na.

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon